Paano Manatiling Healthy Kahit Busy sa Trabaho


Kahit na gaano kabusy sa trabaho, importanteng pinapangalagaan pa rin natin ang ating kalusugan. Dahil oras na magkasakit, hindi makakatrabaho at mawawalan ng kita. Narito ang ilang payo para sa healthy lifestyle sa trabaho.
  1. Kumain ng masustansya. Huwag mag stress eating. Iwasan din ang madalas na pagkain sa mga fastfood 
  2. Iwasan ang mga matatamis na inmin, maaalat na snacks. Sa halip ay magbaon ng prutas, kumain ng gulay na iniluto sa bahay. 
  3. Mag-ehersisyo kahit na busy sa trabaho. Maglakad o umakyat sa hagdan. Gumamit ng free gym kung meron ang iyong opisina. Sumali sa mga libreng Zumba o physical activities sa iyong opisina 
  4. Iwasan ang laging nakaupo lang. Kada isang oras ay tumayo ka at mag-inat para gumanda ang pagdaloy ng dugo sa katawan. 
  5. Ngumiti at tumawa. Makipag-usap sa iyong mga katrabaho. 
  6. Siguruhin na kontrolado ang iyong mga risk factors tulad ng blood pressure, blood sugar at cholesterol 
  7. Gamitin nang mabuti ang iyong mga libreng check up sa trabaho upang makasiguro na healthy ka

No comments:

Powered by Blogger.