Kakalat ba sa katawan ko ang kanser kapag nagpabiopsy o nagpa-opera ako?


HINDI. Ang chance na kumalat ang cancer cells sa ibang bahagi ng katawan dahil sa operasyon ay extremely low, sobrang baba. May sinusunod na standard procedures ang mga doktor para hindi kumalat ang cancer kapag nagsasagawa ng biopsy at operasyon. Ang biopsy ay pagkuha ng maliit na laman mula sa kanser upang matulungan ang mga doktor na malaman kung kanser ba ang isang bukol o kung gaano na ito kalala kung kanser man ito. Mahalaga ang biopsy sa cancer staging at ang operasyon para magamot at makontrol ang ilang cancer.

Source: National Cancer Institute

No comments:

Powered by Blogger.