Money Saving Tips Para May Ipon Para sa Kalusugan
Kailangan talaga ng disiplina sa pag-iipon ng pera. Hindi pwede na basta ka nalang gagastos dahil wala kang maiipon. Mahirap ang walang ipon dahil sa oras ng pangangailangan, wala kang pera na magagamit para dito. Narito ang ilang helpful money saving tips.
- Gumawa ng budget. Kailangan malaman mo kung saan napupunta ang pera mo. Kapag gumagawa ng budget, nabibigyan mo ng priority ang mga bagay na kailangan.
- Umiwas sa mga pagkain sa labas. Malaki ang gastos kapag lagi kang kumakain sa labas. Mas mainam na magluto ng sariling pagkain, mura na, sigurado ka pa na masustansya at malinis.
- Iwasan ang mga bisyo tulad ng sigarilyo at alak dahil malaki ang nagagastos dito kada buwan.
- Huwag pumunta sa grocery o supermarket na walang listahan ng mga bibilhin. Malaki ang chance na marami ang mabili mo na hindi naman kailangan kung wala kang listahan.
- Ibenta ang mga gamit mo na hindi mo na nagagamit pero mapapakinabangan pa.
Tiyak na makakaipon ka para sa kalusugan kapag nagawa mo ito. Share mo din sa iba na gustong makaipon
No comments: