Dok, May Lab Test ba Para Malaman Kung May Brain Aneurysm Ako?


Mahirap madiagnose ang isang brain aneursym habang hindi pa ito pumuputok. Pero may mga tests na pwedeng gawin ang doktor upang malaman kung may brain aneurysm ang isang tao. Itatanong ng doktor kung mayroon sa pamilya na nagkaroon ng sakit na ito, bigla nalang namatay, kung mayroong mga risk factors tulad ng katandaan, paggamit ng droga, pag-inom ng alak, nagkaroon ng trauma sa ulo, may arteriovenous malformation at coarctation of aorta.

Ang CT scan at MRI ay maaaring makakuha ng litrato ng utak at ugat sa utak ng isang tao. Pwede ring magsagawa ng cerebral angiograms ay pwedeng makadiagnose ng pagdurugo o kung mayroong abnormal sa mga ugat sa utak na maaaring brain aneurysm. Kung mayroon kang laging sakit sa ilo o sakit sa taas ng mata, panlalabo ng mata o nagdodoble ang paningin, nahihilo at nakakaranas ng seizure ang ilan sa mga sintomas ng brain aneurysm na hindi pa pumuputok.

No comments:

Powered by Blogger.