Anong Ibig Sabihin ng Kulay ng Dumi ni Baby?


  • Black. Pagkatapos ipanganak, ang unang dumi nito ay kulay itim. Ito ang tinatawag na meconium. 
  • Green brown. Sa pagsisimula ng sanggol na mag digest ng gatas ng ina, ang meconium na itim ay mappapalitan ng green-brown at yellow brown na dumi. 
  • Yellow. Pagkatapos ng limang araw pagkapanganak ng sanggol, nagiging kuly dilaw na ang dumi ng mga breastfed na sanggol. 
  • Brown. Kapag formula milk ang ipinapainom sa baby, brown o light brown ang kulay ng dumi ni babay. 
  • Kapag nagsimmula nang kumain ng solid food, mas magiging dark brown ang dumi ni baby. Pwede din itong mag-iba depende sa mga kinakain nitong pagkain.

Kapag nagpapalit ng diaper ng sanggol, tingnan ang consistency ng dumi ng iyong baby. Tingnan kung matubig ang dumi dahil baka may diarrhea ang sanggol. Kapag butil-butil ang tae na matigas, pwedeng may constipation ang baby. Kumonsulta sa doktor kapag palaging maitim ang dumi ng sanggol, pula o kulay dugo, maputi o gray, laging nagtutubig at laging matigas.

No comments:

Powered by Blogger.