Pwedeng Magkarayuma Kapag Laging Pagod sa Trabaho
Iba-iba po ang klase at sanhi ng pagkakaroon ng rayuma. Ang sobrang pwersa o labis na paggamit sa mga kasu-kasuan mula sa pagtatrabaho lalo na sa mga trabaho na kailangan magbuhat ng mabibigat at maaaring magdulot ng pagkasir ng kasu-kasuan. Ito ay maaaring magdulot ng osteoarthritis. Halimbawa nito ay ang pagmamaneho ng matagalan, ito ay maaaring magdulot ng osteoarthritis o rayuma sa kamay. Mainam din na ipahinga ang katawan kapag nakakaramdam na ng sobrang sakit o kumonsulta sa inyong doktor kung labis na ang sakit na nararamdaman. Maaari kayo pumunta sa isang rheumatologist na eksperto sa mga sakit sa rayuma.
Source: Bawal Ba ang Munggo sa Rayuma?: Mga Kwento at Kaalaman Tungkol sa Rayuma mula sa UP PGH Section of Rheumatology
No comments: