Mga Sintomas ng Mapanganib na Sakit na Brain Aneurysm


PLEASE share for awareness.

Kagabi ay namatay ang aktres na si Isabel Granada dahil sa pagputok ng kanyang brain aneurysm. Pwedeng maapektuhan ng brain aneurysm ang kahit sinong tao lalo na ang mga matatanda na may altapresyon at mataas ang cholesterol. Pinakamadalas itong nakikit sa mga taong edad 15 hanggang 60. Madalas din ito sa mga babae lalo na ang mga may mababang estrogen matapos mag menopause. Kung mayroong aneurysm sa inyong pamilya, mas mataas din ang risk na magkaroon ka nito.

Ang mga risk factors na pwedeng magdulot nito ay katandaan, paggamit ng droga, labis na pag-inom ng alak, head injury, cerebral arteriovenous malformation, pagsikip ng ugat.

Ang sintomas ng hindi pa pumuputok na brain aneurysm a sakit ng ulo lalo na sa likod ng mata, nanlalabo na paningin, nahihilo at nagkakaroon ng seizure. Kapag pumutok na ang brain aneurysm, magdudulot ito ng sobrang sakit ng ulo, stiff neck, panlalabo ng panignin, sensitibo ang mata sa liwanag, bumabagsak ang talukap ng mata, hirap magsalita, hindi makalakad, nahihilo. nagsusuka, nagkokombulsyon at hinihimatay. Pumunta agad sa hospital kapag nangyari ito.

No comments:

Powered by Blogger.