Mga Pagkain na Nagpapataas ng Cholesterol
Kadalasan hindi nakakaranas ng sintomas ang isang taong may mataas na cholesterol sa dugo. Ngunit kapag laging mataas ng cholesterol sa dugo, maraming sakit ang pwedeng makuha at ang iba dito ay maaaring makamatay. Kapag kasi naipon ang taba sa dugo, pwedeng mamuo ito at magdulot ng pagbara sa ugat na magdudulot ng pagkawala ng daloy ng dugo sa ilang bahagi ng ating katawan.
Pwedeng magkaroon ng stroke, atake sa puso, chest pain, altapresyon at pagkasira ng kidneys na mangangailangan ng dialysis. Kaya para maiwasan ito, mahalagang malaman kung anong mga pagkain ang pwedeng bawasan o iwasan upang hindi magkaroon ng napakataas na cholesterol.
Ang mga red meat o karne ng baka at baboy, ata at laman loob, full fair na keso, gatas, ice cream at mantikilya, itlog, pritong mga pagkain tulad ng french fries, manok at onion rings, hipon, alimango, shellfish, peanut butter at tsokolate. Ilan lamang ito sa mga pagkain na nagdudulot ng pagtaas ng ating cholesterol.
No comments: