Pag-alog ng malakas kay baby, Pwedeng makapinsala sa utak!
Ang shaken baby syndrome ay isang grabe injury sa utak na dulot nang malakas at bayolenteng pag-alog sa isang sanggol. Isa itong uri ng child abuse na nagdudulot ng pinsala sa utak. Kahit na limang segundo lang ng pag-alog ay maaari nang magdulot ng pinsala sa utak.
Malambot ang utak ng mga sanggol at mahina ang kanilang muscles sa leeg. Marupok pa ang kanilang mga ugat kaya naman kapag inalog ang bata nang paulit-ulit maaaring mabugbog ang utak, mamaga at masira ang ugat. Maaari ding masira ang bungo, mata, gulugod at leeg ng sanggol.
Madalas itong nakikita sa mga bata edad 2 at pababa. Madalas itong nakikita sa mga sanggol sa isa hanggang dalawang buwan pa lamang. Kadalasan ay nagagawa ito ng mga magulang kapag ayaw tumigil sa pag-iyak ng sanggol at napagbubuntunan ng galit ng mga magulang.
Ang sintomas nito ay sanggol na hindi makatulong, nanginginig, hirap huminga, hindi makakain, nagsusuka, nagiging asul ang balat, nagkokombulsyon at hindi makagalaw. Kung makita ang mga sintomas na ito matapos alugin ang sanggol, dalhin ito sa pinakamalapit na hospital upang maiwasan ang matinding pinsala sa utak o pagkamatay.
No comments: