Mga Paraan Para Makaiwas sa Pagkalunod


Kahapon ay pumasok ang balita ng pagkamatay ng Hashtag member na si Franco Hernandez dahil sa pagkalunod nito matapos tumaob ang bangkang sinasakyan nito dahil sa malakas na alon. Dead on arrival na ito nang madala sa clinic.

Para maiwasan ang pagkalunod o mapababa ang risk ng pagkamatay mula dito
  1. Siguruhin na marunong ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang staff ng pool o beach na inyong pupuntahan. Mainam din kung mayroon kayong kasama na marunong magsagawa nito. Para kung sakaling mayroong malunod, mayroong marunong na magsagawa ng CPR para mailigtas ang biktima mula sa pagkamatay.
  2. Huwag iwanan ang mga bata o kasamang hindi marunong lumangoy lalo na sa malalim na bahagi ng tubig. Pwedeng turuan na lumangoy ang bata o kasama mo upang hindi ito malunod.
  3. Hangga't maaari ay iwasan ang pag-inom ng alak kapag maliligo sa any body of water upang maging alert at conscious para maiwasana ang pagkalunod. 
  4. Laging magdala ng life vest o salbabida kung sasakay ng bangka upang masiguro na hindi ka malulunod sakali mang tumaob ang bangka o mahulog mula dito. 
  5. Iwasan ang pagsakay sa bangka kung masama ang lagay ng panahon at masyadong maalon upang maiwasan ang sakuna. Siguruhin na maalam sa paglangoy ang bangkero at alam din nito ang dapat gawin kung sakaling magkaroon ng sakuna.
Doble ingat po tayong lahat sa paglangoy.

No comments:

Powered by Blogger.