Pitong Gawain na Sumisira sa Iyong Tulog
Narito ang mga dahilan kung bakit hindi tayo makatulog nang maayos.
1. Pag-inom ng kape sa gabi. Ang caffeine sa kape at iba pang pagkain tulad ng tsaa, chocolate, soft drinks at energy drinks ay nagpapanatiling gising sa isang tao.
2. Pag-inom ng alak sa gabi. Pinapaikli ng pag-inom ng alak ang deep sleep na importante sa memory at rest ng brain. Mas mabilis antukin kapag uminom ng alak pero mabilis ka din nagigising.
3. Paggamit ng gadgets bago matulog. Ang blue light mula sa smartphones at computers ay nakakawala ng antok. Iwasan ang paggamit ng gadgets 2 to 3 hours bago matulog.
4. Pagtulog sa hapon. Kapag natutulog o nap sa hapon, mas matagal makatulog sa gabi.
5. Mainit ang lugar na tinutulugan. Mas mahirap matulog kapag mainit ang paligid. Mas madaling makakatulog kapag malamig at may bentilasyon ang kwarto.
6. Pagkain nang marami bago matulog. Pwedeng hindi matunawan kaya nahihirapan makatulog.
7. Pabago-bagong oras ng tulog. Mas mahihirapan kang makatulog kung iba lagi ang oras ng iyong tulog.
No comments: