Tips Para Maiwasan ang Sakit ng Ulo at Mata Kapag Matagal Nakaharap sa Computer at Cellphones


Napapagod ang ating mata kapag lagi tayong nakatingin sa ating mga computer, cellphone at tablet. Nagdudulot ito ng computer vision synndrome kung saan nakakaranas ang isang tao ng panlalabo ng mati, pananakit at paghapdi ng mata, nagiging sensitibo sa liwanag, sumasakit ang ulo, leeg at batok. Para maiwasan ito, narito ang simpleng tips para sa ating lahat.

  1. Kailangan hindi masyadong malapit ang computer o cellphone sa iyong mata. Ang layo ay dapat mga dalawang ruler ang sukat. Bahagyang ibaba ang level nito mula sa iyong mata. 
  2. Bababan ang brightness ng iyong gadget para hindi gaanong masakit sa mata 
  3. Kapag gumagamit ng gadget nang matagal, ipahinga ang mata. Tumingin sa malayo o sa ibang bagay ng 20 segundo sa kada 20 minuto na nakatingin ka sa monitor ng computer o cellphone. 
  4. Kumurap nang mas madalas para hindi matuyo ang mata. Mainam ito para sa mata. 
  5. Kapag mayroong probema sa mata, kumonsulta sa ophthalmologist upang maitama ito at maiwasan ang mga komplikasyon

No comments:

Powered by Blogger.