Brown Rice, Masustansya at Nakakatulong Magpapayat
Payo ni Doktor Doktor Lads at ng Nutrisyong Pinoy
Ang brown rice ay nagtataglay ng maraming fiber. Maganda ang fiber hindi lamang para mas gumanda ang pagtunaw ng iyong pagkain kung hindi nakakapagpababa din ito ng cholesterol sa ating katawan. Mas mabilis ka din mabusog kapag ito ang iyong kinakain. Dahil dito, maganda itong kainin lalo na ng may diabetes at mga taong nais pumayat. Isang pag-aaral sa Harvard School of Public Health ang nagsabi na ang pagkain ng brown rice ay nakakapagpababa ng posibilidad na magkaroon ng diabetes.
Tandaan lang po na moderation lang sa pagkain. Hindi ka talaga papayat kung napakaraming kanin ang iyong kakainin. Kahit anong klaseng kanin pa yan kung isang kaldero naman ang kakainin mo, wala ding kwenta. Samahan ng ehersisyo para mas makatulong sa pagpayat.
No comments: