Pagkain na Mayaman sa Calcium at Vitamin D, Mainam Para Maiwasan ang Osteoporosis
Ang calcium at vitamin D ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkasira or pagrupok ng ating buto. Ang mga pagkain na mayaman sa calcium ay gatas, keso, itlog, green leafy vegetables at mga isda tulad ng sardinas. Ilan sa mga pagkain na mayaman sa vitamin D ay gatas, itlog, keso, saltwater fish at atay. Pwede ring uminom ng mga orange juice lalo na ang mga juice na fortified with calcium and vitamin D. Ang pagkain ng mga ito ay makakatulong lalo na sa mga matatandang babae na menopause na upang mas mapatibay ang mga buto at maiwasan ang osteoporosis.
Mainam din na huwag sosobra ang sodium intake o pagkain ng maaalat na pagkain. Napag-alaman sa mga pag-aaral na ang sobrang sodium o asin sa katawan ay nagdudulot ng calcium loss kaya mas humihina ang mga buto. Iwasan din ang labis na pag-inom ng kape dahil kada 100mg ng caffeine ay 6mg ng calcium ang nawawala sa iyong katawan.
No comments: