Health Benefits ng Pagkain ng Talong


Payo ni Lass Tantengco, registered nutritionist-dietitian

Isa ang talong sa mga paborito nating kainin. Kadalasan na ginagawang torta, inilalaga, isinasahog sa mga pakbit at binagoongan. Maraming benepisyo ang makukuha mula sa pagkain ng talong.
  1. Nakakatulong upang maagapan ang pagkakaroon ng cancer at diabetes. Mayaman ang talong sa vitamin C at manganese na mahusay na panlaban sa mga sakit. Mayaman din ito sa fiber at kaunti ang carbohydrates na na nakakatulong upang makontrol ang blood sugar level ng mga taong may diabetes.
  2. Nakakapagpalakas ng resistensya. Ito ay dahil sa high vitamin C content ng talong na mabisang antioxidant ng ating katawan
  3. Nakakapagpaganda ng kutis. Dahil ito sa vitamin A at beta carotene na matatagpuan sa gulay na ito
  4. Nakakatulong upang maaayos ang ating pagdumi. Ito ay dahil ang talong ay isa sa mga gulay na mayaman sa dietary fiber

No comments:

Powered by Blogger.