Health Benefits ng Pagkain ng Repolyo
Payo ni Lass Tantengco, registered nutritionist-dietitian
Anong luto ng repolyo ang pinakagusto mo? Bukod sa masarap na at masustansya, madali pa itong kainin lalong-lalo na pag kasama ito sa inyong nilaga. Napakayaman ng gulay na ito sa iba't-ibang vitamins na kailangan ng ating katawan at narito ang mga benipisyong maaring maidulot nito:
Nakakatulong sa ating kidneys. Ang repolyo ay naglalaman ng betalains at glutamine na may anti-inflammatory properties na kailangan ng ating katawan upang makaiwas sa iba't-ibang uri ng sakit lalo na ang pagkakaroon ng kidney stone.
Nagbibigay proteksyon sa mga mata. Mayaman din ang repolyo sa beta-carotene na tumutulong upang mapigilan ang macular degeneration at pagkabuo ng katarata sa ating mga mata. Nakatutulong din ito upang mapalinaw at mapanatili na malusog ang ating mga mata.
Tumutulong sa pag control ng blood pressure. Ang potassium ay matatagpuan din sa repolyo na syang tumutulong upang hindi magkaroon ng high blood.
Nakakapagpalakas ng ating resistensya. Ang repolyo ay mayaman din sa vitamin C na napakahalagang anti-oxidant ng ating katawan na tumutulong upang makaiwas tayo sa iba't-ibang uri ng sakit.
No comments: