Health Benefits ng Pagkain ng Patatas
Payo ni Lass Tantengco, registered nutritionst-dietitian
Marami sa atin ang mahilig sa patatas. Lalo na kapag isinama ito sa nilaga o sa adobo. Napakaraming benepisyo na pwede nating makuha mula sa pagkain ng patatas.
- Tumutulong upang mapalakas ang resistensya. May taglay itong vitamin C ang syang kailangan ng ating katawan upang mapanatili ang lakas ng ating immune system para labanan ang iba't-ibang uri ng sakit.
- Nagpapatibay ng buto. Ang patatas ay mayaman sa iron, phosphorus, calcium at magnesium na ilan sa mga mineral na nakatutulong upang mapanatiling malusog ang ating mga buto.
- Nakakatulong para healthy ang ating puso. Mayaman din ang patatas sa fiber na nakatutulong upang mabawasan ang cholesterol sa ating katawan na syang nagiging dahilan upang mabawasan din ang pagkakaroon natin ng sakit na may kinalaman sa puso.
- Nakakatulong upang maging regular ang pagdumi. Dahil nga sa fiber content ng patatas, mahalaga din ito upang mailabas natin ng matiwasay ang dumi sa ating katawan.
- Nakakapagpaganda ng kutis. Dahil nga mayaman sa vitamin C ang patatas, mahalaga din ito upang mapanatili natin ang kalusugan ng ating mga balat. Dahil nagsisilbing antioxidant ang vitamin C ng ating katawan na nakatutulong upang maiwasan ang iba't-ibat damage na maaring maidulot sa ating balat.
- May anti-inflammatory properties. Dahil ang patatas ay madaling madigest, mayaman sa vitamin C at B at sa potassium, isa ito sa mga pagkaing maaring makapagbawas ng inflammation sa ating katawan
No comments: