Isang bata ang nabulag dahil sa pagkain ng french fries at junk foods araw-araw


junk foods, french fries, processed foods
Ang madalas na pagkain ng junk foods ay maaaring humantong sa mga malalang sakit katulad ng cancer, diabetes, chronic illnessess at inflammatory diseases. Ayon sa pananaliksik ang pagiging "picky eater" o pihikan sa pagkain ay maaaring humantong sa pagkasira ng katawan at kalusugan dahil sa nutritional deficiencies.

Kamakailan lang ay isang bata sa Britain ang nabulag dahil sa kanyang french fries diet. Sa scientific report na inilatha ng Annals of Internal Medicine  ay sinuri ang mga result ng mga diyeta na walang nutritional values. Naka focus ang report sa diyeta ng isang batang Briton na ang kinakain lamang sa loob ng mahabang taon ay french fries, potato chips, at iba't ibang processed foods katulad ng ham, bacon, hot dog at iba pa.

Sa pagsusuri ng mga doktor nakita na may deficiencies siya sa vitamin B12,  copper, selenium, at vitamin D. Pinayuhan siya ng doctor na dapat kumain ng masusustansyang pagkain katulad ng gulay para makarecover sa  kanyang karamdaman.

Ngunit ang bata ay sadyang matigas ang ulo, nagpatuloy siya sa kanyang uri ng diyeta at pagkain ng french fries, potato chips, at iba't ibang processed foods. Makalipas ang isang taon ay muli siyang dinala sa ospital para masuri ng mga doctor dahil sa kanyang nararamdaman na pagkabingi at unti-unting pagkawala ng pangingin.

Siya ay na diagnosed na may nutritional optic neuropathy o pagkasira ng optic nerve dahil sa kakulangan sa nutrition dala ng poor diet. Ang pagkasira ng optic nerve na ito at paghina ng kanyang paningin ay irreversible o hindi na maibabalik sa dati ayon sa mga doctor. Nagkaroon din siya ng blind spots sa kanyang dalawang mata na permanente at malaki ang epekto sa kanyang araw-araw na pamumuhay.

Ang pagkain ng masusutansyang pagkain lalo na ang gulay ay napakahalaga sa kalusugan para maging malakas at malayo sa mga sakit.

Narito ang ilang mga prutas at gulay na maganda sa ating mga mata para mapanatili ang linaw nito.


fish, salmon, mackerel, trout

Isda - nakakatulong ang Omega 3 fatty acids ng isda katulad ng salmon, sardinas, at tuna upang mapanatili ang linaw nito. Pumoprotekta din ito para hindi magkaroon ng katarata dahil sa pagpapanatili ng malusog na retina.


gulay, leafy vegetables

Mga gulay - ang mga dahong gulay ay maganda sa mata dahil sa taglay nitong lutein para sa malusog na paningin.

Itlog, eggs
 
Itlog- ang itlog ay nagtataglay ng Vitamin A na pumoprotekta laban sa nigh blindness at panunyo ng mata.

Oranges and Berries

Oranges and Berries - ang Vitamin C ay lumalaban para mabawasan ang panganib na magkaroon ng katarata.

Nuts


Nuts- ang mga mani ay nagtataglay ng omega-3 fatty acids upang mapanatiling malinaw ang paningin.

No comments:

Powered by Blogger.