Pagkain ng kulangot may mabuting dulot sa ngipin at kalusugan, ayon sa isang biochemist at biophysicist

Kathrina Ribbeck

Ang pagkain ng kulangot, maliban sa nakakadiri ay natuklasan na may magandang benepisyo sa kalusugan. Ayon sa mga mananaliksik sa Massachusetts Institute of Technology dapat daw kumain ng kulangot ang mga tao at hikayatin ang mga bata na gawin rin ito.

Ayon sa kanilang natuklasan ang kulangot ay nagtataglay ng salivary mucins na nagiging depensa ng mga ngipin laban sa ibat-ibang bacteria na nagiging sanhi ng mga lukab o cavities.

Hindi lamang ngipin ang pinoprotektahan ng pagkain ng kulangot, mayroon din nakalap na ibidensiya na maaari itong makatulong para maiwasan o mapigilan ang respiratory infection, stomach ulcer, HIV, at maaaring maging alternative sa antibiotics. Ang pag aaral na ito ay ginawa ni Kathrina Ribbeck na isang biological engineering professor, biochemist, at biophysicist sa Massachusetts Institute of Technology at isa sa may akda ng nasabing pag-aaral.


Ayon naman sa isang ENT, delikado ang nose-picking o pangungulangot dahil maaring masugatan ang loob ng ilong na maging sanhi sa pagkaroon ng infection. Nakita rin sa pag-aaral na mas mataas ang rate ng Staphylococcus o bacteria na nagiging sanhi ng staph infections sa mga taong nangungulangot.

Maramil ay kailangan pa ng mas masusi at mahabang pag-aaral kung mas malaki talaga ang
benepisyo ng pagkain ng kulangot kesa sa hindi.

No comments:

Powered by Blogger.