BABALA: Mag-ingat Sa Isang Wallpaper Na Nakakasira Umano Ng Cellphone


Mayroon ngayong umiikot na babala at paalala sa social media tungkol sa paggamit ng isa umanong misteryosong wallpaper.

Ayon sa pahayag ng ilan, ang wallpaper umanong ito ang nagiging dahilan ng pag-crash ng ilan sa mga cellphone na gumagamit nito.

Ang malala pa, hindi lamang umano pag-crash ng cellphone ang maaaring idulot nito dahil, maaari rin umanong mauwi sa tuluyang pagkasira ng cellphone ang paggamit nito.

Ang tinutukoy na wallpaper na ito ay ang isang umanong magandang larawan ng isang lawa na mayroong mga bundok at punong nakapalibot.

Kung titingnan, isang simpleng larawan lang naman ito na madalas ay kapareho ng ilan sa mga sikat ding wallpaper na ginagamit.


Ang kagandahan ng naturang larawan ay nararapat lang din naman para maging isang wallpaper ngunit, pinaalalahanan ang lahat na huwag gumamit nito.

Matapang na saad ng ilan, mayroong umanong sumpa na taglay ang naturang wallpaper.

Sa hindi malamang dahilan, ang bawat cellphone na gumagamit sa nasabing wallpaper ay nagkakaroon ng problema at basta-basta na lamang nagka-crash.

Para sa mga nakaranas na nito, matapos umano nilang gamitin ang wallpaper ay nagiging patay-sindi umano ang screen ng kanilang cellphone.

Mayroon ding iba na sinasabing matapos gamitin ang wallpaper ay hindi na umano nila mai-on ang kanilang telepono.

Ang tanging solusyon lamang dito ay ang tuloyang pagre-reset ng kanilang cellphone. Ngunit, kapag ito ay ginawa, tuluyan na ring mawawala lahat ng data at file na mayroon ka sa iyong telepono.


Ito ang dahilan kung bakit mahigpit ang babala ng mga nakaranas na nito sa iba pa na maaaring mabiktima ng naturang misteryosong wallpaper.

Karaniwan umano sa mga nabibiktima ng naturang wallpaper ay ang mga Android phones. Ngunit, hindi pa rin sigurado at garantisado na ang mga Apple phones ay hindi mabibiktima nito.

Isa na nga sa mga nagbigay ng babala tungkol sa delikadong wallpaper na ito ay ang twitter user account na si Ice Universe.

Ayon sa kanya, ang naturang wallpaper umano ay nagdudulot ng naturang mga pagkasira lalo na sa mga cellphone na ang brand ay �Samsung�.

Mahigpit niya pang paalala, kapag nakatanggap ng naturang larawan ay huwag na huwag itong gagamiting wallpaper.

Saad pa nito sa twitter post,

�WARNING!!!
�Never set this picture as wallpaper, especially for Samsung mobile phone users!
�It will cause your phone to crash!
�Don�t try it!
�If someone sends you this picture, please ignore it.�

Ngunit, marami ang hindi naniwala sa post na ito ng naturang netizen. Ani pa umano ng mga ito, tiwala umano silang hindi magdudulot ng anuman ang larawang ito sa kanilang mga mamahaling cellphone.


Kaya naman, kahit mayroon nang babala ay sinubukan pa rin ng ilang mag netizen ang naturang wallpaper.

Sa huli, nagsisi rin umano ang mga ito dahil talagang totoo raw ang sumpang nakabalot sa naturang wallpaper.

Ang naturang larawan o wallpaper ay nagkalat din umano sa facebook. Ayon sa iba, sinubukan umano nilang gawing wallpaper ang larawang ito ngunit wala naman umanong nangyari.

Ito umano ay dahil binabawasan ng Facebook ang image file nito.

Nasa huli pa rin ang pagsisisi kaya naman, payo ng iba ay huwag nalang umanong subukan pa ang sumpa ng naturang wallpaper.

Source: buzzooks

No comments:

Powered by Blogger.