Flight Attendant, Hindi Ikinahihiya Ang Pagtitinda Ng Fishball Ngayong Wala Pang Trabaho


Isa sa mga higit na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ay ang mga empleyado mula sa mga airline company.

Ang paglipad kasi sa iba�t-ibang mga lugar ang isa sa higit na ipinagbabawal ngayon upang maiwasan ang tuluyang pagkalat ng sakit.

Kaya naman, marami sa mga empleyado galing sa mga airline company ang pansamantalang nawalan ng trabaho. Ang mas nakakalungkot, mayroon ding iba na tuluyan nang nawalan ng trabaho.

Isa sa mga empleyadong ito na pasamantalang nawalan ng trabaho ay ang Flight Attendant na si Lorrie May Parungao. Isa itong FA ng Pan Pacific Airlines.

Bilang bread winner ng kanilang pamilya, isang malaking pagsubok para kay Parungao ang pansamantalang mawalan ng sweldo o pagkakakitaan.


Ngunit, imbes na mawalan ng pag-asa, nag-isip ng ibang paraan si Parungao upang kahit papaano ay magkaroon ng pagkakakitaan. Hindi ito nagpalunod sa pag-aalala, bagkus ay humanap ng pansamantalang solusyon.

Alam ni Parungao na maswerte pa rin ito dahil mayroon pa naman siyang babalikang trabaho pagkatapos ng lahat ng ito.

Ngunit, ang tanong ngayon para sa kanya ay kailan pa ito? Habang wala pa, bilang bread winner ng pamilya ay kailangan niyang umisip ng ibang paraan upang kumita.

Kaya naman, hindi nag-alinlangan si Parungao na sumubok magkaroon ng simpleng hanapbuhay sa panahong ito ng pansamantalang pagtigil niya sa pagiging FA. Upang kumita, naisip ni Parungao na magbenta ng fishball at mga samalamig.

Walang pagdadalawang-isip itong ginawa ni Parungao upang kahit kaunti ay magkaroon ng pagkukunan ng pera.


Dahil galing sa hindi kayamanang pamilya, hindi umano nahihiya si Parungao sa pagbebenta ng fishball.

Ayon sa kanya, walang dapat na ikahiya dahil marangal naman umano itong trabaho. Nakapagbibigay rin umano ito sa kanila ng sapat na kita upang maitawid ang araw-araw.

�Fishball business muna habang lockdown, ito
ang bagay na ng buhay sa aking paglalakbay patungo sa pagiging F.A. Maraming salamat sa Aking mga magulang na ako�y inyong minulat sa maraming kasanayan sa buhay na aking madadala saan man at kailan man,� saad pa ni Parungao.

Hindi man umano kalakihan ang kinikita niya rito kagaya ng pagiging FA, sapat na umano ito sa kanila. Kaya wala umanong dapat na ikahiya rito.

Sanay na rin umano si Parungao sa buhay na ito dahil sa maagang pagmumulat sa kanila ng kanilang mga magulang. Kaya naman, kahit isa nang FA, hindi niya ikinakahiya na sa ngayon ay nagbebenta muna ito ng fishball.


�From a simple family vendor and a farm earning family, di ko kailanman ito Ipag-kakaila. Hanap buhay parin para sa pamilya at pinaka mamahal na anak,� dagdag pa nito.

Mayroon ring inihayag na mensahe si Parungao para sa iba. Ayon sa kanya, palagi umanong magpasalamat sa lahat ng mga biyaya na dumarating sa buhay. Saad pa nito,

�Never Let your past experiences be a hindrance to your future and dreams. Always be grateful for all that have happened in our lives. It will be our fuel for our dreams. Never forget where we came from, it will always lead and teach us to aim and soar high��

Source: buzzooks

No comments:

Powered by Blogger.