BABALA! Online Selling Ng Mga Hayop Sa Facebook, Ipinagbabawal Ayon Sa PAWS
Kamakailan kang, mayroong inihayag na anunsyo at paalala ang Philippine Animal Welfare Society o PAWS tungkol sa mga ibinebentang hayop sa Facebook.
Ayon sa PAWS, ipinagbabawal sa social networking site na Facebook ang pagbebenta at pati na rin pagbili ng anumang hayop. Kahit anong klase ng hayop, alagang hayop man ito gaya ng aso o hindi, hindi ito pinahihintulutan.
�NO ANIMAL SELLING-BARTER ON FACEBOOK.
�While the lockdown situation has given rise to online support for legitimate non-profits, unscrupulous animal sellers have also increased in number on Facebook - and this is NOT allowed.
�Selling or bartering of pets are considered unauthorized sales on Facebook. Please report these pages,� saad ng PAWS sa kanilang anunsyo.
Mula nang pinairal ang Enhanced Community Quarantine sa maraming lugar sa bansa, ang online selling at online shopping ang isa sa mga pinagkaabalahan ng marami.
Lahat na yata ng bagay na pwedeng maibenta ay ibinebenta online. Karamihan naman sa mga bentahang ito ay nagaganap sa social networking site na Facebook.
Karamihan at patok na ibinibenta rito ay mga damit, sapatos, at syempre, pagkain.
Kasabay nito, naging talamak rin ang bentahan ng hayop o pet sa Facebook. Maraming mga nagbebenta rito ng mga hayop lalo na�t mga alagang aso.
Kaswal lamang itong ipino-post dito na umano�y naghahanap ng pwedeng bumili.
Mayroon pa ngang mga eksklusibong page rito na para lamang sa bentahan ng iba�t-ibang mga hayop at pet.
Ngunit, ang hindi alam ng karamihan ay bawal sa Facebook at sa DENR ang ganitong gawain.
Hindi pinahihintulutan ng social networking site na Facebook ang pagbebenta ng hayop sa pamamagitan nito. Kaya naman, maaaring mai-report sa Facebook ang sinuman na lumabag dito.
Dahil bawal, mayroong iba na hindi umano diretsahang isinasaad na ibinebenta ang hayop sa Facebook kundi isinasaad lamang na umano�y naghahanap ng pwedeng umampon.
Maging alerto sa mga ito at huwag na huwag itong tangkilikin.
Kapag may nakitang nagbebenta ng mga hayop sa Facebook, ayon sa PAWS ay agad umano itong e-report sa Facabook dahil nga hindi nito pinahihintulutan ang naturang klase ng transaksyon.
Maliban dito, pwede rin umanong i-report mismo sa Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga taong nagbebenta ng hayop sa Facebook at pati na rin ang mga bumili rito.
�Reminder: Kindly be wary of breeders� ads disguised as 'rehoming' and 'adoption' posts.
�Please take time to conduct your own independent checkings when dealing with unregistered entities because they may be breeders posing as AW orgs,� dagdag babala pa ng PAWS.
Imbes na bumili ng hayop na ibinebenta sa Facebook, ayon sa PAWS ay mas mabuti umanong mag-ampon na lang ng mga �spayed� o �neutered� ng mga hayop.
Sa paraang ito, nakakatulong pa umano ang sinuman sa �welfare� ng mga hayop. Ani ng PAWS,
�Help animal welfare by
1. opting to adopt a spayed or neutered animal instead of buying pets
or
2. by having your own pets and the strays that you feed spayed or neutered (kapon).
You may schedule a spay-neuter appointment with the PAWS Clinic now through our website: www.paws.org.ph�
Source: definitelyfilipino
No comments: