Kakaibang Mga Face Mask Gawa Ng Isang Prosthetic Artist, Patok Sa Social Media!


Talagang �new normal� na nga ang pagsusuot ng face mask matapos ang pagkalat ng COVID-19.

Kaya naman, mayroong malikhaing paggawang face mask na ibinahagi sa social media ang isang prosthetic maker.

Upang maging mas kakaiba pa ang isang tipikal na face mask, ginawan ito ng karakter ng propesyonal na prothetic maker na si Rene Abelardo ng Laguna.

Sa isang face mask na kanyang ginawa, ang 50 taong gulang na si tatay Rene ay gumawa ng isang makatotohanang face mask na animo�y galing sa isang horror movie.

Ayon sa kanyang anak na nagbahagi ng mga gawang mask ng kanyang ama na si Marianne Abelardo, hand-made umano ang naturang mask at pwede pa umanong magpasadya ng kahit na anong karakter ang sinumang gustong bumili.


Kaya umanong gawin ni tatay Rene ang kahit ang iba�t-ibang karakter para sa mask at gawang-kamay niya pa umano ito.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Marianne ang kakaibang mga face mask na ito.

�Bagong gimik namin ng tatay ko hahah. Character mask. Soon selling stocks! 

�Pwede mag pa costumize po� Any characters. All hand made po ito. Pwedeng pwede pang new normal,� saad niya pa rito.

Marami naman ang namangha sa mga gawang ito ni tatay Rene kaya naman naging viral ang naturang Facebook post. Dahil dito, marami agad ang nagpaabot ng interes na bumili.


Nakakabilib umano ang mga gawa ni tatay Rene at marami ang talagang nagustuhan ang mga face mask na gawa nito.

Sa isa namang panayam kay tatay Rene, napag-alaman na dati na pala umano itong gumagawa ng prosthetic sa iba�t-ibang mga programa sa telebisyon.

Ilan umano sa mga nakasama niya dahil sa trabahong ito ay ang sikat na si Willie Nepomuceno.

Dahil sa trabaho nitong isang propesyunal na prosthetic maker, naging bahagi na rin umano si tatay Rene ng mga programang Kampanerang Kuba, Bitoy�s World, Marina, at Wansapanataym.

�I started making prosthetics since I was 17 and my mentor was [art director] Maurice Carvajal. Until now, I�m still working [as one],� ani pa umano tungkol dito ni tatay Rene.

Ayon kay tatay Rene, tatlong araw umano nitong ginawa ang naturang face mask na ibinahagi ng kanyang anak sa facebook. 


Ibinebenta niya raw ito sa halagang Php 300 lamang. Kaya naman, dahil sa abot-kayang presyo at ganda ng bagong produktong ito na gawa ni tatay Rene, marami ang nais magpagawa at bumili sa kanya.

Hindi umano nito inakala na papatok ang ibinahaging facebook post ng kanyang anak na si Marianne at ganito kadami ang mga order na kanilang matatanggap.

�We never thought my daughter�s post would go viral. At least we now know the scope of people who would actually buy our masks,� saad pa umano ni tatay Rene.


Sinisikap ngayon ni tatay Rene na matapos ang maraming mga face mask binibili sa kanya matapos ang pag-viral ng naturang post.

Nang tinanong naman kung bakit naisip na tatay Rene na gumawa ng kakaibang mga mask, aniya,

�I thought of making the mask because the new normal has occurred. I thought why not bring it to another level just for good vibes?�

Source: elitereaders

No comments:

Powered by Blogger.