Isang Aktor, Ibinulgar Si Angel Locsin Na Tumulong Sakanya Noong Panahon Na Nagkasakit Ito!


Dahil sa mga matatapang na pahayag at mga opinyon ng aktres na si Angel Locsin tungkol sa mga bagay-bagay ngayon na mainit na pinag-uuspaan sa bansa, naging target ito ng mga pamumuna at pambabatikos ng mga netizen.

Dahil likas na matapang, hindi nag-aatubili ang aktres na maglabas ng kanyang mga opinyon kahit pa sa mga sensitibong mga paksa na kalimitan ay tungkol sa gobyerno.

Naging tampulan tuloy ng mga batikos at bash ang aktres ng mga umano�y trolls sa social media dahil sa kanyang mga binibitawang matatapang na pahayag.

Isa sa mga ibinabato nila kay Angel na pambabatikos ay ang pagpapakitang-tao lamang umano ng aktres sa mga ginagawa nitong pagtulong.


Kilala ang aktres sa pagiging matulungin sa mga nangangailangan at binansagan pa ngang �real-life Darna� dahil dito. Kilala ito bilang isa sa mga unang tumutulong kapag kinailangan ito, mapa-volunteer work man o pamimigay ng relief goods.

Sa panahong ito ng krisis at pandemya, si Angel rin ang isa sa mga una at kusang kumilos upang makapagbigay ng tulong sa mga apektado nito.

Dahil sa mga pambabatikos na inaabot ngayon ng aktres, isa sa mga kilalang kaibigan nito ang nagpahayag ng suporta, nagtanggol, at nagpatunay ng tunay umano na kabutihang loob ni Angel.

Ito ay ang aktor at komedyanteng si Janus del Prado.

Sa kanyang Instagram account, ipinahayag nito ang pagsuporta sa laban ng kaibigan sa mga bumabato rito ng batikos.


�@therealangellocsin Sa mga bumatikos sayo at gusto kang tapusin, paps. Wag mo na lang sila pansinin� 

�Kilala ka naman ng mga taong malalapit sayo at yung pagtingin namin sayo ang importante. Sabi ng mga trolls at bashers, pakitangtao ka lang daw. Pero di nila alam na madami ka natutulungan na di nababalita,� saad pa ni Janus.

Ayon kay Janus, isa umano sa mga patunay ng kabutihang loob ni Angel ay nang minsang tumulong ito sa kanyang pagkakasakit.

Sa mga kaibigan nito sa industriya, tanging si Angel lamang umano ang nag-alok at nagpaabot sa kanya ng tulong at malasakit.

�Gaya ko paps. Naalala ko dati nung nagka tigdas ako way back 2014, ikaw lang sa mga kakilala ko sa industria ang nag offer ng tulong at malasakit� 

�Sinagot mo na nga hospital bill ko, nagpupumilit ka pa dumalaw kahit bawal kasi naka quarantine ako sa hospital. Hehe. Baliw ka talaga,� kwento pa nito.


Kaya naman, inihayag niya rito ang kanyang pasasalamat sa aktres hindi lamang sa tulong nito kundi pati na rin sa kanilang matibay na pagkakaibigan. Ani pa nito,

�Salamat sa malasakit at sa pagkakaibigan. Sa mga nagsasabing NPA ka, di lang nila alam ang totoo, na NBA ka� 

�Turn around fade away dunk! Labyu paps! #angeljordan #appreciationpost #angellocsin #earthangel�

Ang post na ito ni Janus ay umano rin ng maraming suporta at pagpapatunay ng kabaitan ni Angel galing sa mga netizen.

Sagot naman ni Angel sa mga pahayag na ito ng kaibigan,

�Naiyak naman ako sa pa-tribute mo, paps! Salamat sa pagtatanggol.�

Source: Inquirer

No comments:

Powered by Blogger.