Tatlong Beses Mang Na-kick Out Sa High School, Mayroon Na Ngayong 50 Branches Ng Kanyang Negosyo Ang Lalaking Ito


Bagamat isang importanteng bagay upang magkaroon ng magandang pamumuhay at kinabukasan ang makapagtapos ng pag-aaral, sa iilang mga pagkakataon ay mayroong mga tao na kahit hindi nakapag-aral ay pinalad na naging matagumpay pa rin sa buhay.

Tatlong beses na na-kick out sa high school si Felipe Zamora III. Bukod pa ito sa apat na taong pagkakabagsak niya rito.

Galing man sa may kayang pamilya, hindi nakapagtapos at nakakuha ng diploma sa high school si Zamora.

Hindi naman umano ito dahil hindi siya nagtataglay ng katalinuhan kundi dahil sa madalas na pagliban niya sa klase dahil sa mas ginusto nitong tumambay kasama ang barkada.

At nagresulta nga ito sa hindi niya pagtatapos nang tuluyan sa high school.


Ngunit, dahil umano sa kanyang ina, nakumbinse umano si Zamora na kumuha ng exam sa Philippine Educational Placement Test upang makapagkolehiyo.

Nang pinalad na makapasa, lumipad agad papuntang Amerika si Zamora upang doon simulan ang pag-aaral sa kolehiyo.

Ayon kay Zamora, habang nag-aaral umano sa ibang bansa, napagtanto niya umano ang kahalagahan ng mga bagay-bagay lalo na ang pagsisikap.

�You go to school with people who have two jobs. You go to school with people with kids and it�s like, wow what a realization� 

�Then you start having an appreciation for the value of money and work that really changes your perception,� saad pa nito sa isang panayam.


Napagtanto niya umano ang mga bagay at panahon na kanyang sinayang noon sa Pilipnas.

Kaya naman, ito umano ang naging daan upang magpursige ito na matapos sa pag-aaral.

Hindi gaya noong high school, natapos at nakuha ni Zamora ang kanyang degree sa Finance.

Matapos nito, umuwi ng Pilipinas si Zamora. Dito, sa kanya na ipinagkatiwala at siya na ang namahala sa lending business ng kanyang pamilya, ang Golden Legacy Finance Corporation (GLFC).

Ngunit, kahit ito na ang may hawak ng kompanya ng kanilang pamilya, hindi rito tumigil si Zamora. Mayroon rin itong isa pang negosyong sinimulan.

Matapos umanong maghanap ang isang Russian Company ng magiging partner sa expansion nito ng kanilang kompanya sa South East Asia, nagkakilala sina Zamora at Segey Sedov, ang CEO ng Russian Company na Robocash.


Taong 2017 nang sinimulan at ipakilala ni Zamora ang Robocash Philippines sa bansa. Matapos lamang ang isang taon, naging matagumpay si Zamora sa pamumuno ng negosyong ito sa bansa.

Kaya naman, sa loob rin ng isang taon, nakapagbukas lang naman si Zamora ng 50 iba lang sangay o branches ng Robocash sa bansa.

Ayon dito, layunin pa umano ni Zamora na lumobo hanggang sa bilang na 200 ang mga branches ng kompanya sa taong 2020.

Kahit na hindi nakapagtapos sa oras noong high school, naging matagumpay pa rin sa buhay si Zamora matapos nitong mapagtanto ang mga naging kamalian at pagkukulang sa mga panahong sinayang niya noong nag-aaral pa sa high school.

Nagsikap ito, bumawi, at nagpursige upang magtagumpay sa buhay. Ang kwento nito ay isang inspirasyon at aral sa marami lalo na sa mga taong hindi siniseryoso at sinasayang lamang ang mga oportunidad na ibinabahagi sa kanila habang nag-aaral.

Source: buzzooks

No comments:

Powered by Blogger.