Pulis, Nag-amok At Pinalayas Ang Isang Nagrenta Sa Kanyang Bahay Sa Gitna Ng ECQ!

Viral ngayon ang video na ito ng isa umanong pulis na sumugod sa kaalitan nito na umano�y nambastos sa kanyang anak.

Sa naturang video, hindi lamang pagsugod ang ginawa ng pulis dahil makikita rin dito ang pisikal na pagsugod at pagbunot pa nito ng baril.

Maliban pa ito sa mga pagmumura na binitawan ng pulis sa naturang mga kaalitan nito.

Makikita naman sa video na panay ang pakiusap ng mga naroon na maging mahinahon ang pulis. Idaan na lamang umano sana nito sa salita ang mga gagawin at hindi sa pisikal o dahas.

Nasa may pintuan pa lamang ang pulis nang magsimula ang video ngunit nang sagutin ito ng kaalitan ay agad itong sumugod sa loob ng naturang kwarto at bumunot ng baril.



Humahagulhol naman na nakikiusap ang kumuha ng video na huwag nitong ituloy ang pagpapaputok ng baril na hinugot ng pulis at itinutok sa lalaking marahil ay pinaka-kaaway nito.

�G*go ka, ah! P*tang*na niyo binabastos niyo �yung anak ko, sinasagot n�yo�

�Umalis kayo rito bago magkagulo tayo�

�Oy, mga g*go! Anim ang bahay ko rito, hindi lang ito so marami akong kamag-anak. Isang utos ko lang, kuyog na kayo,� saad pa ng pulis habang dinuduro ang mga naroon.

Galit na galit ang naturang pulis habang pinapangaralan ang mga naroong kaalitan. Humingi na rin naman ng tawad ang mga umano�y kaalitan nito sa kanya.

�P*tang**a niyo di niyo kilala kung sinong binabastos niyo�

�Wag kayong sasagot sagot ha� Nakakaburaot kayo ah! Kayo na nga itong nakakaperwisyo, ako pa �yung sasagut-sagutin ninyo,� dagdag pa ng galit na pulis.


Wala nang nagawa la ang mga naroon kundi magpaliwanag at humingi rito ng tawad dito.

�P*tang*na pakiramdam niyo mga g*go kayo�

�Dati na akong g*go bago ako naging pulis kaya kayang-kaya ko kayong sabayan,� saad pa nito bago tuluyang umalis.
Viral agad ang naturang video at umani ng  maraming mga negatibong reaksyon galing sa mga netizen.

Ang pagiging viral nito ay nakadagdag pa sa kasalukuyang hindi magandang reputasyon ng kapulisan matapos ang mga umano�y paglabag na ginawa ng ilan sa mga ito sa batas.


Malinaw na hindi nagustuhan ng mga netizen ang ginawang ito ng naturang pulis lalo na ang ginawa nitong pagbunot ng baril.

Kahit na nagkasala man umano sa kanya ang mga taong iyon, hindi pa rin tama na ilagay nito sa kanyang kamay ang batas at mas lalong alam sana nito ang mas narararapat na gawin dahil nga isa itong pulis.

Heto pa ang ilan sa mga komentong iniwan ng mga netizen tungkol sa naturang video:

�Tanggal sa serbisyo to, maniwala kayo. Bumunot pala ng baril eh!�


�Mali talaga ilagay niya sa kamay niya ang batas. Husgahan ko ito, pulis na pulpol may kakalagyan ka sa rehas at tanggalin ka sa serbisyo� wala kang puso. Di mo man lang kausapin at mag-ayos sa plano mahinahon. Tao �yan alam natin ang crisis na pinagdadaanan ng lahat. Nakakaawa ka!�
�Pulis siya. Kung sinagot sagot ang anak niya dapat maging mahinahon sya eh parang nag-aamok na at bumunot pa ng baril. Ano ang laban nila at marami pala sila sabi niya. Taga-pamayapa, parang di niya alam na may pandemic at lockdown. Ang utak ng pulis haist�

Panoorin ng buo ang video dito!

 

No comments:

Powered by Blogger.