Working Student Na Grabfood Driver, Binigyan Ng $100 Ng Pulis Na Sumita Sa Kanya Sa Checkpoint
Matapos mapagalitan at makatanggap ng sermon sa isang pulis sa checkpoint, hindi inaakala ng Grabfood driver na si Joshua Basa na makakatanggap siya ng $100 galing sa naturang pulis.
Sa kanyang facebook account, ibinahagi ng Grabfood driver na si Joshua, isang working student, ang naturang pangyayari sa pagitan nito at ng isang pulis na mayroong mabuting puso.
Ayon kay Joshua, habang papunta ito sa Sta. mesa upang i-pick up ang isang food item, napadaan umano ito sa isang checkpoint sa may Espa�a Boulevard.
Habang nakapila umano ito sa naturang checkpoint, mayroon umano itong nakitang isang nakamotor rin na lumipat sa kabilang lane kaya naman, sinundan niya rin umano ito.
Ngunit, nang sundan niya umano ito ay sinita umano siya ng pulis na naroon sa checkpoint. Inakala umano nito na sumisingit siya sa pila.
Dahil rito, ipinaliwanag umano ni Joshua ang nangyari. Ipinaliwanag niya umano sa naturang pulis na hindi nito intensyon ang sumingit.
�Ako naman panay sorry lang at hingi ng pasensya dahil dko naman sinasadya. Katakot takot na sermon inabot ko sa kanya.
�Hanggang sa humaba na pakikipagusap ko sa kanya� todo paliwanag lang ako na istudyante lng ako at need lang talaga kumayod para sa sarili ko,� kwento pa ni Joshua.
Ngunit, kahit na ipinaliwanag na umano nito ang sitwasyon ay patuloy pa rin umano ang naturang pulis at hiningi pa umano ang kanyang school ID bilang patunay sa mga sinabi nito.
Hindi na umano napigilan ni Joshua at naiyak nalang umano ito roon. Hindi lamang umano dahil sa sita at sermon na inabot niya rito kundi dahil na rin umano sa mga hindi nito magandang pinagdaanan nang araw na iyon.
Kaya naman, nang akala niya umanong titicketan siya ng naturang pulis dahil sa kanyang pagkakamali, nagulat umano siya nang humugot ito ng $100 sa pitaka nito.
Mas lalo pa umano siyang naiyak nang sagutin umano siya nang pulis kung bakit siya nito binibigyan ng pera.
Saad pa umano sa kanya ng pulis,
�Tanggapin mo na. Tulong ko sayo �yan, gusto ko magtapos ka ha! Ipangako mo sakin!�
Kaya naman, hanggang sa makauwi ay hindi pa rin umano mapigil ni Joshua ang sarili sa pag-iyak.
�Sir! Kung alam mo lang kung gaano ko na katagal pinipigilan �tong mga luha ko dahil sa mga nangyari sa �kin netong mga nagdaang araw, sa mga problema tsaka mga bagay bagay na iniisip ko gabi gabi�
�Alam ko na naging pabaya ko sa pag-aaral ko noon kaya may mga dapat akong balikan, pero pinapangako ko sa�yo �yan lalo na sa magulang ko makakapagtapos din ako! Magkikita pa tayo sir sana makilala mo padin ako,� ani pa ni Joshua.
Ang pulis pala na tinutukoy rito ni Joshua ay si Police Officer 2 Sirjon Nacino.
Makalipas ang ilang araw, muling binalikan ni Joshua ang naturang pulis na may mabuting puso upang muling magpasalamat rito.
Tinanong niya umano ito kung bakit siya nito tinulungan nang araw na iyon. Kaya naman, ayon mismo kay Sir Nacino,
�Kasi ako dati pasok baon aral lang, kaya bilib ako sa inyong mga working student na kelangan pa magtrabaho para lang makapag aral.�
Dahil dito, umani ng paghanga at maraming mga papuri ang naturang pulis dahil sa ipinamalas nitong kabutihan.
Source: facebook
No comments: