Zanjoe Marudo, May Butt Exposure Sa Bagong Pelikula Nito Na �Malaya� Kasama Si Lovi Poe


Isa sa mga hinahangaang aktor ngayon sa showbiz ay si Zanjoe Marudo. Sa mga teleserye na kinabilangan ng aktor, hindi matatawaran ang galing nito sa pag-arte.

Ngunit, sa kabila ng mga papuri niya sa kanyang mga pagganap, handa pang sumubok ng iba�t-ibang mga role ang aktor upang mas gumaling pa sa kanyang trabaho.

Pinatunayan niya ang galing niyang ito nang tinanggap niya ang bagong pelikula na pinagbibidahan nito kasama ang aktres na si Lovi Poe.

Ito ay ang iWant original film na �Malaya�.

Dito, mas naging mapangahas ang aktor sa mga eksena na kanyang ginawa. Pinatunayan niya rito ang kanyang versatility bilang isang aktor nang magkakaroon umano ito ng �butt exposure� sa naturang movie.


Maliban pa umano ito sa magiging mainit na love scene nila sa movie ni Lovi.

Ang mga eksena na ito ni Zanjoe Marudo sa pelikula ay agad naman na pinag-usapan ng marami nang maging trending ang mga video clips ng mga eksenang ito sa social media.

Naging biktima ng pamimirata ang pelikulang ito ni Zanjoe kaya naman agad na kumalat ang mga video clips ng mapanghas niyang nga eksena na ito sa social media.

Ayon pa nga sa mga ulat, mukhang mahihirapan umank si Zanjoe na alisin sa social media ang mga pirated clips na ito ng kanyang pelikula dahil mabilis itong kumalat.

Nagsimulang legal na napanood ang pelikulang ito ni Zanjoe noong ika-28 ng Mayo. Dito nagsimula ang worldwide streaming ng pelikula nitong �Malaya�.

Maliban sa pagiging trending ng aktor dahil sa mapangahas niyang pelikula na ito, una na itong maging viral nang kagaya ng ibang mga artista ng Kapamilya network ay naglabas din ito ng opinyon sa pagsasara ng ABS-CBN.


Sa isa nitong Instragram post, nagmura umano si Zanjoe dahil sa mga negatibong opinyon at pambabatikos sa kanilang mga artista dahil sa pakikipaglaban nila kasama ang kanilang TV network.

Naghayag dito sa Zanjoe ng kanyang saloobin laban sa mga tao umano na ikinatuwa ang nangyari sa kanilang istasyon.

Hindi na rin nito napigilan pa ang sarili na maging emosyonal nang nagdesisyon ang National Telecommunications Commission o NTC na pansamantalang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN.

Ani umano dito ng aktor,

�Sige tumawa kayo, pero t*ng*na nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo! #staystrong #doubledead�


Umani umano ng nga pambabatikos ang aktor sa naging pahayag niyang ito ngunit, agad ding binawi ng aktor ang naturang pahayag sa social media.

Burado na ngayon ang Instagram post na ito ni Zanjoe at hindi na nakikita pa sa social media.

Ayon sa isang ulat, ito umano ay matapos ang payo at utos ng isang top executive ng TV network na iwasan na lang ang pagmumura ng mga artista dahil sa naging pangayayari.

Ayon umano rito, imbes na magmura ay magpasalamat na lamang umano ang mga ito sa mga taong sumusuporta pa rin sa kanila sa gitna ng naturang sitwasyon.

�It defeats the cause you�re fighting for,� pahayag pa umano ng network executive na ito.

Panoorin ang buong video dito:

No comments:

Powered by Blogger.