Kim Chui, Nagtrending Matapos Sumayaw ng �Bawal Lumabas� Sa Gitna Ng EDSA
Matapos ang isyu ng umano�y nakakalitong mga pahayag ng aktres na si Kim Chiu, trending na naman ngayon ang aktres dahil sa isa na naman umanong kontrobersiya.
Nakita umano si Kim Chiu na nagsayaw sa gitna ng EDSA sa himig ng bago nitong kanta na �Bawal Lumabas� sa labas ng kanyang sasakyan.
Naging trending agad ang video na ito ng 30 taong gulang na aktres na nagsasayaw umano sa gitna ng EDSA.
Agad din na umani ng batikos ang video na ito ng aktres galing sa mga netizen. Kung totoo man na nagsayaw ito sa gitna ng naturang kalsada, maraming mga netizen ang hindi ito nagustuhan.
Ngunit, sa isang Instagram post, ipinaliwanag ni Kim Chiu na hindi totoo ang naturang video na sa EDSA umano siya sumayaw ng �Bawal Lumabas�.
Isa umano itong �fake news� ayon sa aktres at hindi niya umano ito kayang gawin.
Ayon sa kanya, ang naturang video umano ay nakunan sa parking lot ng isang eatablisyemento at hindi sa EDSA. Nakunan umano ito habang nagdedeliver siya ng mga ibinebenta niyang mga merchandise.
Ang mga merchandise na ito ay tungkol pa rin sa kanyang viral na �Bawal Lumabas� na pahayag. Ang malilikom umanong pera mula sa pagbebenta ng mga ito ay mapupunta sa mabuting gawain at bilang donasyon.
Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan muna ni Kim ang mga taong sumuporta sa ginagawa niyang ito.
Heto pa ang ilan sa mga naging pahayag ng aktres sa kanyang Instagram post:
�Wearing @bawallumabas_merch. Thank you for all the support classmates' few stocks left!!!
�Thank you for supporting the shirt for a cause and sa nagpapakalat ng fake news na sa edsa ako sumayaw, hello?!!! Okay ka lang??? Bakit ako sasayaw sa gitna ng edsa. Takot ko lang. DYOS KO.
�Please stop spreading FAKE NEWS. Please lang. Moms @iamangelicap sa edsa daw yung PARKING LOT ng tipsy pig?... kaya pa ba?
�Ikaw na nagdeliver ng merchandise, ikaw pa pagbibintangan ng fake news... hay.... life...... hindi po biro magbenta ng merch, first time kong ginawa to pero okay lang I know this is for a good cause. let�s spread love not hate.
�COVID ANG KALABAN NATIN, HINDI ANG KAPWA TAO. please lang, stop spreading #fakenews.�
Dahil sa naging viral nga ang umano�y fake news na ito ni Kim, umabot pa umano maging sa MMDA ang isyu ng pagsayaw na ito ni Kim sa gitna ng EDSA.
Ayon sa inihayag na ulat ng Daily Tribune, nang makarating umano ang balitang ito kay MMDA Asec. Celine Pialago ay ito umano ang kanyang naging pahayag:
�We will verify the truth about the report. We will check if this video of Miss Kim Chui really happened on EDSA. We will invite her to explain her side then we will act accordingly.�
Marami naman ang nagpahayag ng suporta kay Kim Chiu dahil sa mga pag-atake na ito ng mga bashers at fake news sa kanya. Ipinagtanggol ng mga ito ang aktres na wala namang masamang intensyon at nais lamang mahayag ng opinyon at makatulong sa mga nangangailangan.
Source: PEP
No comments: