Nobyo awang-awa sa kasintahan, hiling na payagan na ang pag-angkas sa motorsiklo

Dahil sa ipinatutupad na social distancing ay ipinagbabawal ang pag-angkas sa motorsiklo. Kanya-kanyang diskarte ang mga tao kung paaano sila makakapasok sa trabaho. Ang iba ay gumagamit ng bisikleta upang makarating sa pupuntahan.
Photo credit: Dennis Tulabs

Sa ibinahaging kwento ng Facebook poge na “OBR Motovlogs”, dating magka-angkas sa motor ang isang magkasintahan papasok sa trabaho, ngunit dahil sa social distancing ay nagbibisikleta na lamang ang babae habang nakamotor ang kanyang nobyo.

Hindi biro ang kanilang hirap papasok sa trabaho dahil mula Cavite hanggang Manila ang kanilang binabyahe.

Ayon sa post ng lalaki, ayaw nilang lumabag sa ipinatutupad na social distancing dahil wala nman silang ipambabayad kung sakaling mahuli sila.

Ngunit, kapag pagod na ang kanyang nobya sa pagpedal sa bisekleta ay wala siyang magawa kundi itulak. Dahil dito ay hindi narin nasusunod ang social distancing.

Dagdag ng lalaki, ayaw niyang magcommute ang kanyang nobya dahil baka doon pa mahawa ng virus.
Photo credit: Dennis Tulabs

Sa loob ng dalawang buwan ay ganito ang ginagawa ng magkasintahan. Nagpapasalamat ang lalaki sa Diyos dahil walang masamang nangyayari sa kanila.

Hiling niya na sana raw ay ibalik na ang pag angkas sa motorsiklo.

Narito ang kanyang buong post:

"Start nung naglockdown ganito na set up namin para makapasok sa work, need namin magwork para mabuhay gaya ng iba...

Ayaw namin lumabag sa pagaangkas kasi wala rin naman kami pangtubos kahit na may nilalabag kami na anti-social distancing hindi ko maiwasan na hindi sya itulak pag pagod na sya hindi rin naman biro yung cavite-makati vice versa,ayoko sya magbike mag isa alam ko kung gano kadelikado ang mga kalye at kung anong mga klase ng drivers meron tayo at ayoko rin na magcommute sya dahil baka sa pagcocommute pa sya mahawa kaya kahit sobrang delikado ng ginagawa namin sumusugal kami..

Ginagawa ko ang lahat para proteksyunan sya,ako ang convoy nya sa left side para di sya magitgit ng iba,ako narin ang nagsisibing signal light sa likod,busina sa harap at headlight pag inabot na kami ng dilim ..

Kung papayagan yung magasawa sa angkas di rin kami pwede kasi Bf/Gf pa lang kami, sana payagan na yung magkaangkas kasi namimiss ko na sya isakay sa motor 🥺🥺,at alam kong pagod na sya pero kinakaya nya😫😭

salamat sa Dios sa loob ng 2months mahigit wala pa namang insidente na nalagay kmi sa alanganin, salamat sa mga nkakasabay namin sa daan na nakakaintindi, salamat din sa mga enforcer at pulis na hindi nagagalit o sumisita samin pag nakikita kami at nakakaintindi..

Ibalik nyo napo yung angkas sa motor please..

Simpleng hiling lang po 🙏🙏🙏( hindi po lahat ng Riders walangya )

#BoyfriendNaNagmamahal"

(c) Dennis Tulabs


***

No comments:

Powered by Blogger.