Kapatid Ni Kim Chiu, Ipinasilip Sa Mga Netizen's Kung Gaano Ka Emosyonal Noong Kumanta Sa Wish107.5


Katulad ng iba pang mga tagasuporta at tagahanga ng aktres na si Kim Chiu, nagsalita na rin laban sa mga bashers nito ang kanyang kapatid na si Lakambini Chiu.

Sa isang Instagram post, inihayag ng ate ni Kim na si Kam ang kanyang pagtatanggol sa kapatid matapos ang sunod-sunod na pambabatikos dito.

Ayon kay Kam, mukha man umanong hindi nagpapaapekto ang kapatid, alam niyang nagpapakatatag lamang ito dahil mayroon din naman itong pakiramdam.

�You may look at her as a strong woman, unaffected of everything that is happening right now. But she is also a human being. May pakiramdam. She wants to show you she is happy, strong, positive, which she is, but behind that I know there are things that She doesn't want to show us..,� ani pa ni Kam.


Matapos ang mga pambabatikos na natanggap ng aktres dahil sa mga pahayag nito at pagtatanggol sa pagsasara ng kanyang home tv network, hindi na tinantanan pa ng mga basher si Kim.

Ngayon naman, ang pagkanta nito sa �wish bus�  ng kanyang bagong kantang �Bawal Lumabas� ang pinupunterya ng mga netizen.

�� she is trying to understand everything. She wants you to see her as a strong, brave woman standing up, taas noo, rising up from all the bullies. Because she knows wala siyang ginawang masama. Singing inside the wish bus is like facing a big fear for her, diko alam kung ready siya, kasi dyan nagsimula ang pinakalat na video to bash her honest mistake. Parang ako natatakot sa kanya, but she said �okay lang. Go lang tayo�,� ani pa ni Kam.

Sa kabila ng maraming views na nakakalap ng video rito ni Kim, parami din naman ng parami ang mga dislikes na naaani nito galing sa mga netizen.


Ngunit, sa kabila nito, hinarap ito ng aktres at pinatunayan lamang umano ni Kim kung gaano ito katapang.

�She is so brave! Sang the song inside the wish bus, face the people who will put her down again once the video will be out, and sang the song live for the first time, which took her hours long to record because of the lyrics that hit her when she sings it�

�When I look at her. Hindi ko alam paano niya nagagawa lahat to. Saan siya nakakuha ng lakas harapin lahat na parang walang nangyari. Still the same KIM. Jolly, bubbly, and palatawa,� kwento pa ni Kam tungkol sa nakababatang kapatid.

Kaya naman, para kay Kam, hindi mapapantayan ang katapangan ng kapatid na humarap sa lahat ng mga  ito.



Proud na proud ito sa kapatid na walang kapantay ang pagiging matibay. Kahit na siya umano mismo ay gusto nang patulan ang mga bumabato ng batikos sa kapatid, ngunit, si Kim pa umano ang umaawat dito.

�... Minsan naiiyak pero natatawa nalang din siya. All I can say is.., my sister is a superwoman. Throw stones at her; she will throwback kindness. May mga gusto na akong sagutin pero sinasabi niya �wag na, hayaan na natin sila�. I know she is holding on to her faith kaya siya ganyan ka tibay!

�we are proud of you kim. We love you,� paglalahad pa ni Kam.

Source: instagram

No comments:

Powered by Blogger.