Lauren Young, Sinabihan Si DJ Loonyo Ng "Bobo" Dahil Sa Sinabi Niya Patungkol Sa Face Mask


Sa isang tweet na ibinahagi ni Lauren Young nitong ika-4 ng Hunyo, tinawag nitong �bobo� ang viral dancer na si DJ Loonyo dahil sa mga pahayag nito tungkol sa pagsusuot ng face mask. 

�Omg i just saw this!! Ang bobo shet ang bobo. Flatearther ka rin ba koyah??� tweet pa ni Lauren.

Ang prangka at direktang pahayag na ito ni Lauren ay kumuha ng atensyon ng marami na umano�y sang-ayon din sa opinyon ng aktres.

Marami kasi sa social media ang kinwestyon din ang naging pahayag ni DJ Loonyo tungkol sa matagal na umanong pagsusuot ng face mask.

Ayon sa kanya, sa tagal umano ng pagsusuot ng face mask ng isang tao ay naaamoy na umano nito ang utot nito. Mga pahayag na hindi na napigilan ng iba pang mga netizen na magreact sa viral dancer.


Dagdag pa nga ni Lauren sa kanyang pahayag na pagiging �bobo� umano ni Loonyo, mukhang gusto lamang umano ng dancer na magmukhang matalino.

�I feel like in the case of Loonyo he really just wants to sound smart but lacks the patience to sit, read and understand. Gusto lang magkaroon ng opinion for the sake of it?

�Mapakita lang yung bigdickenergy. Like LOOK AT ME IM SMART,� muli pang tweet ni Lauren.

Ang tinutukoy dito ni Lauren ay ang kumakalat na ngayong video clip na Loonyo na nagpapakita ng opinyon nito tungkol sa face mask.

Heto ang naging pahayag ni Loonyo sa naturang video clip:

�Itong mask na �to, ang daming tanong sa utak ko, like, ano ba talaga yung tamang gawin? Walang makakasagot. Ikaw lang talaga� 

�Pero sang-ayon ako dun na the more you wear the mask, na nakaganun parati� 


�Kumbaga, parang ini-inhale mo yung sarili mong utot!

�Kaya mo nga nilalabas yun, e, kaya mo nga nilalabas yun kasi hindi kailangan ng katawan mo yun. Kailangan mo ng oxygen� 

�Ngayon, yung ini-inhale mo yung parang ano, yung poison� ang ini-inhale mo sa katawan mo, it makes your immune system weak�

�We�re not against the mask� 

�We are saying sa haba ng panahon na kaka-wear mo nang kaka-wear, kakasuot mo ng mask, ini-inhale mo yung sarili mong utot.

�So if I were you, kumbaga, parang ano� ibababa mo siya or ipapahinga mo yung sarili mo, um-inhale ka nang tama.�

�So, hindi tayo against sa mask, hindi tayo against sa mask.

�Ang sa atin lang is� kumbaga, ire-reduce mo lang yung kaka-wear mo nang kaka-wear kasi ini-inhale mo yung sarili mong utot.�

Dahil sa naging matapang na opinyon ni Lauren tungkol sa mga sinabing ito ni Loonyo, marami sa mga tagsuporta ng dancer ang inatake ng pambabatikos ang aktres.

Tinanong pa nito ang katalinuhan umano ni Lauren tungkol sa naturang bagay.

Ngunit, imbes na tumigil ay hindi tinigilan ng aktres ang mga bashers na ito. Matapang niyang sinagot ang mga bashers na ito at sinabing wala itong takot.


�Ano nga ba ang sukat mo ng talino? There are different ways to be smart. I for one is smart in the sense that I am responsible with the information I release and take the time to actually research and understand things before giving my opinion. You wanna go? Lets go,� banat pa ulit ni Lauren.

Kabi-kabila ang mga pang-aatake ng mga bashers na ito kay Lauren ngunit walang pagdadalawang isip niya itong sinasagot.

Nang-aasar pa nga ito sa mga naturang nambabatikos sa kanya at sinabing hindi siya kailanman takot sa mga ito.

�WAAAH GONNA CRY MYSELF TO SLEEP IM SO SCARED OMG MY CAREER IS OVER OMG WHO AM I OH NOOOOO,� tweet pa ulit ni Lauren.

Sa kabila ng mga pambabash na ito sa aktres, di hamak na mas marami naman ang humanga sa tapang nito sa paglalabas ng opinyon.

Mas marami ang sumang-ayon sa aktres at nagustuhan din ang hindi umano nito pagiging plastik sa paglalahad ng nararapat.

Marami ang nagpahayag dito ng suporta at mas kinampihan ang kaniyang panig.

Source: PEP

No comments:

Powered by Blogger.