Isang Pinay OFW Sa UAE, Nanalo Ng Milyon-milyon Sa Lotto Matapos Mawalan Ng Trabaho
Naging emosyonal dahil sa sobrang tuwa ang Pinay OFW na si Remedios Bombon matapos nitong manalo ng perang katumbas lang naman ng Php 4.5 milyon sa isang lotto.
Gamit lamang nito sa pagtaya ay ang kahuli-hulihang pera umano nito sa kanyang pitaka.
Hindi makapaniwala si Remedios sa swerte at biyayang ipinagkaloob sa kanya matapos niyang malaman ang pagkakapanalo nito.
Kasama ang dalawang iba pa, nanalo si Remedios sa lotto sa Abu Dhabi ng AED 333 333, o nasa Php 4.5 milyon ang katumbas. Isa ito sa tatlong nakakuha ng jackpot na premyo sa lotto.
Ayon kay Remedios, ang perang AED50 na ipinangtaya niya sa lotto nang araw na iyon ay ang huling pera nalang umano na mayroon siya.
Naapektuhan at nawalan kasi ng trabaho si Remedios dahil sa pagkalat ng COVID-19. Nagsara ang pinapasukan nitong trabaho at ilang buwan na umano siyang walang kita dahil diti.
Ito lamang ang sumusuporta sa pamilya nito sa Pilipinas kaya napakahirap umano para sa kanya ng halos tatlong buwan nang pagkawala ng kanyang trabaho.
Ang pagtaya sa lotto ay ang huling pag-asa nalang umano ni Remedios upang magkaroon ng perang pantustos sa sarili sa Abu Dhabi at pampadala sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
Nang araw na iyon, ang pinili niyang mga numero ay ang kaarawan niya at ng kanyang umanong mga anak.
Hiling at taimtin na dasal lamang umano ni Renedios noon ay kahit apat na numero lamang sana ay tumama sa tinayaan niyang lotto.
Ngunit, higit pa sa naging panalangin ni Remedios ang dininig ng Diyos. Pinalad lang naman kasi itong makuha ang pinaka-inaasam na jackpot sa naturang lotto.
Emosyonal namna at halos hindi makapaniwala si Remedios dahil sa nangyaring ito sa kanya. Hindi nito akalain na sa kahuli-hulihang pera na kanyang itinaya ay magkakaroon ito ng halos Php 4.5 milyon.
Ayon kay Remedios, ang perang kanyang napanalunan ay gagamitin niya umanong pampatayo ng kanilang bahay sa Pilipinas.
Sa pitong taon kasi nitong pagtatrabaho sa UAE, wala pa umano itong naipapatayong bahay.
Ito lamang kasi ang nagtatrabaho sa kanilang pamilya matapos hindi na makapagtrabaho ng kanya umanong mister dahil bed-ridden na ito at hindi maigalaw ang kalahating parte ng katawan.
Ito nalang ngayon ang bumubuhay dito at sa tatlo nilang anak. Nawalan na rin umano ng ina si Remedios matapos itong pumanaw dahil sa sakit na diabetes.
Maliban sa bahay, plano rin umanong magtayo ni Remedos ng negosyo. Tutulong din umano siya sa kanyang mga kamag-anak.
Bago mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19, dati umanong nagtatrabaho si Remedios sa isang paaralan. Dito, nagtatrabaho si Remedios bilang housekeeping at bus attendant.
Sa pitong taon nitong pagiging OFW, naging trabaho na rin umano nito ang pagiging housemaid.
Bago tumaya si Remedios sa lotto, ang hinihingi lamang nito ay perang maisusuporta sa mga anak sa Pilipinas matapos magsara ang kanyang pinapasukan. Hiniling rin nito ang kahit kaunting pera lamang para sa renta ng kanyang tinutuluyan.
Ngunit, higit pa rito ang ipinagkaloob kay Remedios. Binigyan ito ng sobra-sobrang biyaya na higit pa sa kanyang hinihingi.
Isang biyaya na lubusan nitong ipinagpapasalamat.
Panoorin ang buong video dito!
No comments: