Kim Chiu, Maaaring Maparusahan Kapag Napatunayan Na Talagang Nagsayaw Sa Gitna Ng EDSA


Matapos ang sunod-sunod na mga pangyayaring naging dahilan upang lubos na pag-usapan ng publiko, viral na naman ulit ang aktres na si Kim Chiu.

Sa pagkakataong ito, ang video nito ng pagsasayaw umano sa EDSA ang trending at kumakalat ngayon sa social media.

Sa isang video na ibinahagi sa Instagram ng kaibigan nito na si Angelica Panganiban, makikita ang aktres na nagsasayaw sa labas ng kanyang kotse.

Sinasayaw niya dito ang kanyang bagong kanta na �Bawal Lumabas� na nabuo matapos din nitong maging trending tungkol sa mga pahayag niya na mayroon umanong kinalaman sa �law of classroom�.


Ayon sa mga ulat, nakunan umano ang naturang video sa EDSA at sa gitna ng trapiko. Sa video, makikita sa likuran ng sasakyan ng aktres ang maraming mga kotse na nakahilira.

Dahil dito, trending na naman si Kim at muling umani ng maraming mga batikos galing sa mga netizen.

Umabot na rin ang isyu ng video na ito maging sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Ayon sa MMDA, iimbestigahan umano nila kung totoo nga ba ang naturang pangyayari at kikilos umano ito ng nararapat kapag ito ay napatunayan.

Ipapatawag umano nito si Kim Chiu upang hingan ng paliwanag ukol sa kumakalat na video.

�We will summon/invite her to explain her side then we will act accordingly,� ani pa ng MMDA.


Ayon pa mismo kay MMDA Asec. Celine Pialogo, aalamin umano nila ang katotohanan kung sa EDSA ba talaga umano kinunan ang video.

�We will verify the truth about the report. We will check if this video of Miss Kim Chui really happened along EDSA,� saad pa nito.

Sa isa namang Instagram post, nilinaw ng aktres na hindi umano totoo ang naturang paratang na sa EDSA kinunan ang video nito na nagsasayaw ng �Bawal Lumabas�.

Ani pa ng aktres, �fake news� umano ang naturang balita at bakit niya naman umano ito gagawin. Ayon sa kanya, sa isa umanong parking lot nakunan ang video at hindi sa gitna ng EDSA.

Upang tuluyan nang malinaw ang naturang isyu, nagkaroon ng pagkakataon na magharap si Kim at ang MMDA.

Dito, ipinaliwanag umano ng aktres ang kanyang panig at ang katotohanan. Hindi ito kinunan sa gitna ng EDSA at nakahinto rin umano ang kanyang sasakyan ng kinunan ang naturang video.

Tinanggap naman umano ng MMDA ang paliwanag ng aktres kaya hindi ito mabibigyan ng anumang parusa dahil wala naman itong nilabag.


Gayunpaman, pinaalalahan pa rin ng MMDA ang aktres na sumunod palagi sa mga batas trapiko.

Heto ang buong pahayag na inilabas ng Star Magic tungkol sa pangyayari:

�This morning, Kim Chiu had a brief online meeting with MMDA General Manager Jojo Garcia following her viral 'dance video.'

�Kim initiated the meeting where she explained that the controversial video was not taken along EDSA but in a parking lot adjacent to a road. Kim also clarified that the car is not moving when the 5-seconder video was taken.

�MMDA accepted Kim�s explanation and although SHE DID NOT COMMIT ANY TRAFFIC VIOLATION with her act, GM Garcia still reminder her to always adhere strictly to traffic rules and regulations.�

Panoorin ang buong video dito:

No comments:

Powered by Blogger.