�PM SENT�: DTI, Ang Hindi Paglalagay Ng Presyo Sa Online Selling Ay Paglabag Sa Batas
Mayroong paalala na inihayag ang Department of Trade and Industry, o DTI, tungkol sa nangyayari ngayong mga transaksyon sa online selling.
Ayon sa DTI, isa umanong paglabas sa batas ang hindi paglalagay ng presyo sa mga produkto ng mga nagbebenta nito.
Hindi na bago sa online selling ang �PM sent�, o ang pagbibigay lamang ng presyo ng produkto sa pamamagitan ng isang personal message sa nagbebenta nito.
Naging stratehiya na ito ng halos karamihan ng mga nagbebenta online at nakasanayan na rin ito ng marami.
Ngunit, ayon sa DTI, bawal at isa umano itong paglabag sa batas. Nakasaad umano sa RA 7394 o Consumer Act of the Philippines na kailangang isaad ng nagbebenta ang presyo ng produktong ibinebenta nito. Dapat din na hindi lumagpas ang presyo ng produkto sa presyong isinaad dito.
Kaya naman, ang ginagawa umano ngayon sa online selling na �PM sent� ay isang paglabag umano sa naturang batas.
�HINDI COOL ang PM SENT sa online selling! Gawing smooth ang iyong transaction kaya ilagay na ang presyo ng produktong binebenta mo.
�Tandaan! Nakasaad sa RA 7394 o Consumer Act of the Philippines na unlawful ang pagbebenta ng kahit na anong produkto na walang karampatang price tag, label or marking ng presyo ng produkto,� saad pa ng DTI.
Bagama�t ang naturang batas ay naipasa bago pa man ang pag-usbong ng online selling, ayon sa DTI ay mabisa ito mapa-online selling man o sa tindahan.
�Without the tag would constitute the offense of profiteering, an illegal act of price manipulation,� saad pa tungkol dito ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.
Ang babala at paalalang ito naman ng DTI ay kumuha sa atensyon ng marami lalo na ang mga nagbebenta online.
Depensa ng mga ito, isa umanong stratehiya ang ginagawa nilang hindi diretsahang paglalahad ng presyo ng kanilang mga produkto.
Ayon sa iba, kapag daw kasi inilahad ang presyo ay pwedeng babaaan ng ibang seller ang presyo ng kanilang paninda.
Baka rin daw magkaroon ng selosan at siraan sa pagitan ng mga seller dahil sa presyo ng mga produkto na pwede pa umanong mauwi sa pagrereport ng page or account.
Dagdag pa ng ilan, para rin umano ito sa pagprotekta sa mga reseller na mayroong iba�t-ibang presyong depende sa patong nila sa kanilang mga produkto.
Sa kabilang banda, marami naman sa panig ng mga mamimili ang natuwa sa anunsyong ito ng DTI.
Ayon sa ilan, dati na umanong hassle para sa kanila ang ganitong paraan ng pagbebenta online. Di raw nila maintindihan kung bakit kelangan pa nilang e-message ang nagbebenta tungkol sa presyo ng produkto.
Kahit interesado umano ang ilan sa produkto ay hindi na nito minsan itinutuloy ang pagbili dahil kailangan pang personal na e-message ang nagbebenta nito.
Sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic, ang online selling at online shopping ang isa sa pinaka-pinagkakaabalahan ng marami.
Kaya naman, marami ang naintriga at naapektuhan sa pahayag na ito ng DTI.
Sa ilan, lalo na sa mga ang nagbebenta online ay hindi ito naging magandang balita.
Ngunit, ilan naman sa mga tumatangkilik sa online selling ay sang-ayon sa nais na ipahatid na mensahe ng DTI.
Source: noypigeeks
No comments: