Carlo Aquino Tungkol Sa Mass Testing: �Ayoko Magbayad Ng Tax.. Walang Mass Testing!�
Simula nang dumami ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, isa na sa pinaka-isinusulong ng marami ay ang pagkakaroon ng mass testing.
Ito ay upang matukoy umano kung sinu-sino at ilan talaga ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Marami ang naniniwala na sa pamamagitan nito, maaaring magkaroon ng matibay na mga plano at tuluyang matapos na ang pagkalat ng sakit sa bansa.
Noong unang mga buwan ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa, pinuna ng mga mamamayan ang hindi umano pagkokonsidera ng gobyerno sa pagkakaroon ng mass testing.
Kaya naman, matapos maglabas ang pamahalaan ng malaking pondo na ilalaan para sa pagtugon sa mga pangangailangan ngayong panahon ng pandemya, mas lumakas pa ang hinaing ng mga Pilipino na magkaroon ng mass testing.
Dahil rito, tumugon naman ang pamahalaan at isinaad na magkakaroon umano ng mass testing sa buwan ng Abril.
Tuwang-tuwa naman sa anunsyong ito ang mga Pilipino dahil sa wakas ay narinig umano ang kanilang pakiusap sa gobyerno.
Ngunit, dumaan na lamang ang buong buwan ng Abril ay wala umanong mass testing na naganap.
Kaya naman, ito ngayon ang ikinadismaya ng marami at hindi na napigilan pa na maglabas ng kanilang saloobin.
Ang ilang nga sikat na personalidad sa showbiz ay hindi naging tikom ang bibig at nakibahagi rin upang ipaglaban ang pagkakaroon ng mass testing sa bansa.
Kaya naman, nang hindi nangyari ang isinaad ng gobyerno, kabilang rin ang mga artistang ito sa nga pinaka-nadismaya.
Kabilang na nga rito ang aktor na si Carlo Aquino ng ABS-CBN. Kagaya ng ibang mga artista, naglabas rin ito ng opinyon sa hindi umano nangyaring mass testing.
Ani pa ng aktor sa kanyang Instagram story,
�Ayoko magbayad ng tax.. walang mass testing!�
Isa lamang si Carlo Aquino sa iba pang mga celebrities na nanawagan upang magkaroon ng mass testing ang bansa.
Ilan sa mga artistang may pareho ring panawagan ay sina Alex Gonzaga, Angel Locsin, Bianca Gonzalez, at Luis Manzano.
Kaya naman, bilang paglilinaw umano sa nangyaring ito, mayroong mensaheng inilabas si Presidental Spokesperson Harry Roque.
�Mayroon po tayong expanded targeted testing�
�Syempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito.
�Yes, kakaunti tayo �nung nagsimula pero we are aiming for 30,000. Maling-mali po ang report mo na walang kahit anong priority na binibigay ang gobyerno sa testing,� saad pa nito.
Bagama�t maraming mga panawagan at protesta lalo na sa social media tungkol sa pagkakaroon ng mass testing, mayroon pa ring iba na merong ibang paniniwala sa pagkakaroon ng mass testing.
Ani ng mga ito, imposible raw umano ang hinihingi ng marami na e-test ang lahat ng tao sa bansa. Malaking pera umano ang kakailanganin para rito at hindi umano ito kakayanin ng gobyerno.
Ani pa ng ilan, kahit daw ibang bansa na mas mayaman kaysa sa Pilipinas ay hindi gumagawa ng mass testing dahil masyado itong nangangailangan ng malaking pera.
Gayumpaman, iba-iba man ang pananaw ng iilan, iisa pa rin naman ang nais ng lahat. Ito ay ang tuluyang pagkawala ng COVID-19 sa bansa at pagbabalik ng lahat sa normal.
Source: citizenexpress
No comments: