Regine at Ogie Alcasid Biktima Sa Online Shopping Ng "Expectation Vs. Reality"
Sa panahon ngayon, isa sa pinaka-kinahiihiligan ng marami ay ang online shopping. Imbes kasi na pumunta pa sa mga mall o tindahan upang mamili, sa pamamagitan lamang ng cellphone o iba pang mga gadget ay pwede ka nang magshopping habang nasa bahay lamang.
Ngunit, marami mang magandang dulot, mayroon ring mga kawalan ang online shopping. Isa na rito ang sinasabi nilang �expectation vs. reality� umano ng mga produkto online.
Ibig sabihin nito, iba ang tunay na itsura, laki, o hugis ng isang produkto sa inaakala ng isang online shopper.
Halos lahat nga ng nago-online shopping ay nakaranas na nito. Kaya naman, sa kanilang Instagram account, ibinahagi ng mag-asawang Regine at Ogie Alcasid ang kanilang naging �expectation vs. reality� experience nang minsan ang mga itong nag-online shopping.
Sa mga larawan na ibinahagi ni Regine sa kanyang Instagram account, makikita si Ogie na naliligo sa kanilang swimming pool habang mayroong dalang salbabida na masyadong maliit para rito.
Sa mukha ni Ogie, kita ang umano�y lungkot nito sa paggamit ng naturang salbabida. Kaya naman, ang nakakatawang mukha na ito ni Ogie at ng salbabida ay ginawan ni Regine ng kwento.
Instagram post #1: �Malaki problema nya...... hindi namin sure kung makakalabas sya dyan #salbabidangmaliit�
Instagram post #2: �Update ko lang kayo. Nag enjoy muna sya magpalutanglutang habang nakasuot ang salbabidang maliit. Naka alis na po sya at ngayon ay masaya nang namumuhay na walang salbabida #salbabidangmaliit�
Instagram post #3 �Ito pa yung isang picture nya paiyak na tagala sya. Actually hindi ko alam kanino ako mag aalala, sa asawa ko ba na parang hindi na makahinga o sa salbabida? Katapusan mo na ba salbabida? pero nakalabas naman sya so all is good PAALALA WALA PONG NASAKTAN O NAPAHAMAK NA SALBABIDA HABANG ANG KWENTONG ITO AY NILALAHAD. #bahalanabes #salbabidangmaliit�
Bentang-benta naman ang mga post na ito sa mga tagasuporta at kaibigan ni Regine. Marami sa mga ito ang tawang-tawa sa mga kwento ng Asia�s Songbird.
Ayon naman kay Ogie, ang totoong kwento pala sa likod ng naturang salbabida ay hindi naman umano ganito kaliit ang inaasahan niyang salbabida base sa kanyang order.
Sa madaling salita, biktima ito ng �expectation vs. reality� ng online shopping.
�Yaman din lamang at naisiwalat na ng aking mahal ang mga kaganapan kahapon, eto po ang ang aking side�
�Umorder ako ng �donutlifesaver� sa lazada nguni�t laking gulat ko na eto ang dumating. Kaya ayan, pinilit kong gamitin. #salbabidangmaliit #expectationsvsreality,� ani pa ni Ogie sa Instagram.
Ngunit, hindi lamang si Ogie ang nakaranas nito sa online shopping. Si Regine rin mismo kasi ay mayroong sariling karanasang katulad nito.
Ayon pa rin kay Ogie, isang kaldero naman umano na pagkaliit-liit, na akala nila ay malaki, ang bumiktima naman sa kanyang asawa.
�Wag ka masyadong magmalaki mahal. Umorder ka ng kaldero na buong akala mo�y pagkalaki laki. But no, ang liit pala nya. Kaya ayan, sa background naka ngiti si donut salbabbida. #salbabidangmaliit #expectationvsreality #kalderongmahiwaga,� ani pa ni Ogie.
Dahil maraming nakakarelate sa mag-asawang ito, bentang-benta at trending online ang sunod-sunod na mga post na ito nina Ogie at Regine.
Marami ang tawang-tawa dahil maging ang sikat na mag-asawa ay hindi rin nakaligtas sa naturang �expectation vs. reality� sa online shopping.
Source: ABS CBN
No comments: