Bagong kasal, Umabot Sa Php 629,000 Ang Nalikom Sa Kanilang ‘Prosperity Dance’


Maraming netizen ang nalula sa laki ng pera na nalikom ng isang bagong kasal sa kanilang ‘prosperity dance’.

Umabot lang naman kasi sa tumataginting na Php 629 000 ang perang inabot at nalikom ng naturang bagong kasal galing sa kanilang mga kamag-anak at bisita sa ‘prosperity dance’ nito.

Mapapa-sana all na lamang talaga umano ang sinuman sa laki ng pera na nalikom ng dalawa sa pagsasayaw lamang sa kanilang kasal.

Trending at umani ng maraming atensyon ang Facebook post tungkol dito na ibinahagi ng isang photographer na si Ernie Piamonte Balili sa isang kasalan sa Davao.

Maging ito ay napa-wow na lang din sa laki ng pera na nalikom sa naturang kasal.

Biro pa nga ng iba na nakakita sa naturang post, bawing-bawi na umano ang perang nagastos sa kasal sa laki ng perang natanggap ng bride and groom. Dagdag pa ng iba, baka nga raw mas malaki pa ang perang natanggap ng mga ito kaysa sa perang nagsatos sa naturang kasalan.


Sa mga larawan ng bride at groom na ibinahagi, makikita ang mga perang nakasabit sa kanilang damit na inaayos pa sa hugis ng pamaypay.

Umuulan ng tig-iisang libo at limang daan ang mga perang nakasabit sa bagong kasal.

Kaya naman, hindi maiwasag mainggit ng maraming netizen sa laki ng pera na nalikom ng dalawang ito. Kung ganito lang naman din umano ang matatanggap sa kasalan, magpapakasal na lamang umano ang ilang mga netizen.

Marami naman ang naintriga sa mga bisita, ninong, at ninang umano ng dalawang ikinasal. Bihira lamang ang ganoon kagalanteng mga bisita kaya naman, ang swerte umano ng dalawang ikinasal.

Ayon naman sa isang ulat, ang ganoon kalaking pera sa ‘prosperity dance’ ng naturang bagong kasal ay tradisyon na umano sa pamilya na mga ito.

Naniniwala raw kasi ang pamilya ng mga ikinasal na dapat daw ay maginhawa ang kanilang pagsisimula ng buhay mag-asawa. Nasa dalawang ikinasal na lamang umano kung paano nila palalaguin ang natanggap na pera.


Dahil nakuha ng Facebook post na ito ang atensyon ng maraming netizen, naging trending agad ito at umani ng mahigit sa 15 000 shares lang naman. Libu-libo naman ang bilang ng iba’t-ibang mga komento at reaksyon na iniwan dito ng mga netizen.

Heto pa ang ilan sa mga komento na ibinahagi ng mga netizen sa post na ito:

“Sino po mga bisita nyo na namigay ng pera. Iimbitahan ko po”

“Looking for sa mga ninang and ninong nila for thesis purpose lang po HAHAHAHA”

“sana all ganyan ka generous mga bisita hahahaha”

 “Nung kasal namin, walang ganyan eh. Dericho lafang mga tao samin, hahaha.”

“Sarap ikasal araw araw pag ganyan”

“That's over $12,000 in American dollar. Must be a rich family”

Ang ‘prosperity dance’ ay isang tradisyon ng mga Pilipino para sa mga bagong kasal. Pinapasayaw ang bagong kasal habang sinasabitan ang mga ito ng pera ng kanilang mga ninong at ninang sa kasal, mga bisita, at kamag-anak.

Ito ay simbolo ng kaginhawaan umano ng bagong kasal sa pagsisimula nito ng bagong buhay o ang buhay mag-asawa.

Source: KAMI

No comments:

Powered by Blogger.