Lalaki Na Minsang Naging Viral Sa Pagsasauli Ng Wallet, Humihingi Ngayon Ng Tulong Dahil Sa Sakit
Kumakatok ngayon sa mga may mabubuting puso si Jheonathan Romasanta, ang lalaking minsan nang naging trending dahil sa katapatang loob nito sa pagsasauli ng wallet.
Buwan ng Abril nang umani ng mga papuri si Jheonathan galing sa mga netizen dahil sa pagsasauli nito sa nalaglag o nawalang wallet ng isang Charlon Ignacio.
Sa ibinahaging viral Facebook post dati ni Charlon tungkol kay Jheonathan, minsan na nitong isinaad ang pagkakaroon ng Thyroid disease ng huli.
Hinangaan at umani ng mga papuri dati ang lalaking ito dahil sa kabila ng kahirapan, pangangailangan, at pagkakaroon ng sakit, hindi pinagka-ineteresan ni Jheonathan ang wallet na kanyang napulot.
Hinanap pa nito ang may-ari at maayos na isinauli ang napulot na wallet. Kaya naman, labis ang naging pasasalamat ng naturang Charlon sa katapatan ni Jheonathan sa kanya.
Saad pa nga dati ni Charlon sa kanyang Facebook post tungkol sa kabutihang loob ni Jheonathan,
“I went to Marikina Bayan BPI to withdraw cash. When I arrived home, I noticed that my wallet is missing… So, I went back immediately to the atm station and parking hoping that my wallet is still there. It wasn't in the parking nor at the atm station…
“I was so happy when I found out that a good samaritan wanted to return my wallet…
“The good samaritan, Jheonathan Romasanta is a parking attendant at ministop. He is JOBLESS, HOMELESS and ILL (he has a Thyroid disease) and YET STILL DECIDED to return my wallet.
“Ni hindi pumasok sa isip nya na kunin na lang yung wallet ko para pambili nya ng pagkain or gamot. God bless you Kuya! I know the Lord will return the blessings to you at alam ko na higit pa yun sa laman ng wallet ko.”
Nang maging viral ang post na ito ni Charlon, maraming mga netizen ang nagpaabot ng kanilang paghanga at papuri para sa kabutihan at katapatan ni Jheonathan.
Kahit palaboy-laboy lamang at mayroong pangangailangan sa pera, mas inuna nitong isipin ang may-ari ng wallet na kanyang napulot at pinairal ang katapan.
Mahigit dalawang buwan ang nakalipas matapos nito, lakas loob na muling binalikan ni Jheonathan ang trending post na ito ni Charlon tungkol sa kanya.
Sa comment section ng post, ibinahagi nito ang kanyang larawan na nakasakay sa wheel chair at kita ang labis na pagbaba ng timbang.
Ayon kay Jheonathan, lumala na umano ang kanyang Thyroid disease kaya ito na-ospital. Ngunit, dahil sa kawalan ng permanenteng trabaho, walang perang maipantustos at maipambayad si Jheonathan.
Kaya naman, humihingi ito ngayon ng tulong sa kung sinuman ang may mabubuting puso na handa siyang tulungan. Saad pa nito,
“Hi po ako po itong nasa post. Kakapalan ko na po muka ko nasa ospital po ako ngayon dahil po sa goiter ko...
“Malala na po goiter ko baka meron po Maka tulong sakin kahit kunti.”
Kung sino man ang may mabubuting kalooban na handang tumulong, si Jheonathan ay nangangailangan ngayon at kumakatok sa inyong mga mabubuting puso.
Source: KAMI
No comments: