Facial Cleft, Hindi Naging Hadlang Upang Makapagtapos Ang Isang Talentadong Lalaki Sa Senior High School


Nagtapos na may parangal na With High Honors at Eagle Scout Award ang lalaking ito sa Bulacan sa kabila ng pagkakaroon niya ng Facial Cleft.

Hindi naging hadlang para sa matatag na estudyanteng si Rizal Gutierrez ang mga pagsubok na pinagdaanan pati na rin ang pagkakaroon ng Facial Cleft upang matagumpay siyang magtapos sa Senior High School.

Dahil sa kanyang pagmamahal at hilig sa sining, ‘Arts and Design’ ang kinuhang kurso ni Rizal sa Senior High School.

‘Architect in the Making’ ikanga si Rizal dahil sa kanyang pagtatapos, isang panibagong daan na naman ang kanyang tatahakin sa kolehiyo sa pagkuha nito ng kursong Architecture.

Sa kanyang pagtatapos ng Senior High School sa La Consolacion University Philippines nitong ika-13 ng Hunyo, pinasalamatan ni Rizal ang mga taong naging bahagi ng kaniyang naging tagumpay.


Saad pa ni Rizal sa kanyang viral Facebook post,

“Thank You God! Sa mga challenges na binigay mo sakin para patatagin ako sa mga failures and inability to achieve something pero proven na kung ano ang pinag dasal mo at kung ano ang deserve mo yun ang makukuha mo, the rest yun yung mga bagay ninanais mo pero ayaw pa ni God makuha mo" ika nga nila.

“"Kapag para sayo makukuha mo pero kung hindi naman tanggapin mo. Matuto maghintay dahil may mga bagay na para sayo na pero oras lang mali."

“Maraming Salamat sa mga sumoporta't naniwala at nagtulak sakin pataas.”

Dahil sa kanyang kondisyon, isa sa mga pagusbok na naranasan ni Rizal sa kanyang pag-aaral ay ang mga pambu-bully. Maliban dito, mayroon din umanong speech impairment si Rizal na dahilan naman ng kanyang pagiging mahiyan.

Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, nagpakatatag lamang si Rizal at ngayon ay matagumpay niyang masasabing nalampasan na niya ang mga ito.


Saad pa nga nito mula sa kantang ‘With A Smile’ ng Eraserheads,

“You can't win at everything but you can try….
“Get along with a little prayer and a song.”

Dati, pangarap lamang umano ni Rizal ang makatapos ng elementarya. Ngunit, dahil na rin sa kanyang pagsisikap ay higit pa rito ang kanyang nakamit. Saad pa nito,

“Masaya and sobrang hindi po ako makapaniwala, pinangarap ko lang po na makapagtapos as elementary but eto na ako may chance makapag-college.”

Ngayon, may pagkakataon na si Rizal na makapagtapos ng kolehiyo at kunin pa ang kanyang pangarap na kurso. Bagama’t masaya, hindi rin maiwasan ni Rizal na mangamba dahil sa sitwasyon ngayon.

Dahil sa COVID-19, pinapangambahan na sa online muna magaganap ang mga klase.


“Kinakabahan dahil as freshman ito sana ‘yung foundation namin sa college but… we still don't know what would be the result of online class,” pahayag pa ni Rizal tungkol dito.

Katulad ng kayang kapangalan na atin ding Pambansang Bayani, pinatunayan lamang ni Rizal na kapag ginusto, pinagtiyagaan, at pinagsikapan ay maaabot ng sinuman ang kanilang pangarap.
Walang anumang makakahadlang sa sinuman na desididong abutin ang kanilang pangarap.

Congratulations sa iyo, future Architect Rizal Gutierrez!

Source: virtualpinoy

No comments:

Powered by Blogger.