Kalabaw Na Kulay Orange Sa Kidapawan City, Nag Trending!

Agaw-pansin sa social media ang kalabaw na ito galing sa Kidapawan City na natatangi ang kulay mula sa isang karaniwang kalabaw.

Nakasanayan na ng lahat na ang kulay ng kalabaw ay itim o di naman ay puti. Ngunit, ang kalabaw na ito ng Kidapawan City ay kulay ‘orange’ o kahel.

Agaw-pansin ito ngayon sa social media at nakuha nito ang atensyon ng marami. Bagama’t iba ang kulay sa pangkaraniwang kalabaw, taglay pa rin naman nito ang sipag na mayroon ang isang kalabaw.

Ayon sa magsasaka na may-ari ng naturang kalabaw, hindi naman umano ipinanganak na kahel ang kulay ng kanyang alaga.

Puti umano ang kulay nito nang maipanganak ngunit, habang tumatagal at tumatanda ang kalabaw ay nag-iba ang kulay nito. Hanggang sa tuluyan na nga umanong naging kahel ang kulay ng nasabing kalabaw.


Dagdag pa ng may-ari, kaya umano nagbago ang kulay ng kalabaw ay dahil isa itong albino.

Hindi pangkaraniwan sa bansa ang ganitong kulay sapagkat kadalasan ay itim ang kulay ng kalabaw na malimit na nakikita sa mga sakahan.

Biro pa nga ng iba sa pagkakaroon ng itim na kulay ng mga kalabaw, palagi raw kasi itong nakabilad sa initan kaya umitim ang hayop.

Ang mga kalabaw ang pangunahing katulong ng mga magsasaka sa pagsasaka sa bukid. Binubungkal nito ang lupa na tinataniman ng mga magsasaka. Maghapon itong nagbubungkal ng lupa sa bukid sa ilalim pa ng tirik na araw.
Ito rin ang nagsisilbing tagahila ng mga ani sa sakahan na inilalagay sa mga kariton. Sa lakas ng kalabaw, inaasahan ito sa maraming gawain ng mga magsasaka.


Kaya naman, malaking tulong para sa mga magsasaka at maging sa mga pamilya nito ang mga kalabaw na siyang pangunahin nilang katuwang sa paghahanap buhay. Kaya naman, malaki ang importansya sa mga hayop na ito lalo na sa bukid o sa mga sakahan.

Bagama’t hindi opisyal na idineklara, itinuturing rin ang kalabaw na siyang pambansang hayop ng bansa dahil sa walang katulad nitong kasipagan.

Sa katunayan, maliban dito ay ipinagdiriwang rin ang mga kalabaw sa iba’t-ibang parte ng bansa. Ang mga kalabaw ang sentro ng naturang mga pagdiriwang.

Ilan sa mga lugar sa bansa na nagdiriwang ng Kalabaw o Carabao Festuval ay ang mga probinsya ng Rizal, Nueva Ecija, at Bulacan. Taon-taon ay ipinagdirwang dito ang kahalagahan at pasasalamat sa mga masisipag na kalabaw.

Karaniwan na ipinadiriwang ang mga ito sa buwan ng Mayo. Ang mga pagdiriwang na ito ay bilang pagpupugay na rin sa patron ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador.


Taon-taon ay dinarayo ang mga festival o pagrdiriwang na ito ng mga lokal at banyagang turista. Pinakatanyag naman sa tatlong lugar na nabanggit ay ang Kalabaw Festival ng Bulacan.

Karaniwan sa mga pagdiriwang na ito ang pagkakaroon ng parada ng mga kalabaw sa kalsada. Nagkakaroon din mga palaro na kalimitan ay makukulay at nilalahukan ng mga kabataan.
Ganito kaimportante ang mga kalabaw sa bansa kaya naglalaan ang mga Pilipino ng panahon taon-taon upang ipagdiwang ang mga ito.

Panoorin ang buong video dito!



Source: definitelyfilipino

No comments:

Powered by Blogger.