Kaladkaren May Payo Sa Isang Vlogger Na Nagmamaliit Sa Mga Tricycle Driver; Buknoy, Nag Public Apology!


Hindi ikinatuwa at iginagalit ng marami sa social media ang ginawang pangmamaliit ng umano’y vlogger at influencer na si Buknoy sa mga tricycle driver.

Sa isang video nito na kumakalat, maririnig si Buknoy na sinasabing ang mga tricycle driver umano ay halimbawa ng mga taong walang narating sa buhay.

Ang naging pahayg niyang ito ay hindi pinalagpas sa social media at umani ng maraming mga pambabatikos. Inulan ng bash at opinyon ng mga dismayadong netizen ang umano’y vlogger dahil sa naging ‘insesitive’ nitong pahayag.

Naging trending ang umano’y vlogger lalong-lalo na sa twitter kung saan nagkalat ang mga pag-atake sa kanya ng mga netizen.

Dahil dito, naglabas ng mga pahayag si Buknoy na umano’y humihingi ng tawad sa kanyang nagawa at sinabi. Ngunit, hindi sapat para sa mga netizen ang ginawang ito ni Buknoy dahil hindi umano ito kinakitaan ng sinseridad sa ginawang paghingi ng tawad.


“Hi po sa lahat ng nanonood, gusto ko lang po sanang magsorry na, uhm sa kasalanan ko. Inaamin ko po nagkamali ako, wala akong alam, hindi ako nag-google, tanga ako, bobo ako at that time.

“Pero sana po maintindihan n’yo na nakikisabay lang din po ako sa uso, not knowing na N-word po ‘yung nasabi ko doon. So, pasensya po ng maraming-maraming pasensya po. Sana ho, eh… kung ayaw n’yo na ho sa akin, pwede n’yo na ho akong i-unfollow, i-block, at i-unsubscribe. ‘Wag nyo na pong panoorin videos ko kung ikakabuti niyo rin po ng loob…

“Pasensya ho sa nasabi ko, sa nagawa ko. Wala ho akong ibang intensyon kundi mag-entertain lang ho…,” saad pa ni Buknoy sa isang video.

Ayon sa mga netizen, maliban sa pagiging hindi ‘sincere’ sa paghingi ng tawad ay lumalabas pa umano na dinedepensahan nito ang mga sinabi. Sa dami ng mga na-offend ni Buknoy sa kanyang pahayag ay mas dumami pa ang nagalit sa kanya dahil sa hindi umano nito maayos na paghingi ng tawad.


Muli ulit itong naglabas ng video sa kanyang Youtube Channel na muling humihingi umano ng tawad. Heto naman ang kanyang naging pahayag dito:

“Pasensya na ho sa lahat ng nagawa ko. Or, sa mga nagawa ko… gusto ko lang sana linawin sa inyo na hindi ho ako nagsasalita against stricycle drivers.

“Sa mga nasaktan, na-offend, nagalit, nainis, na-bad trip, nabwisit, at syempre na-down na tricycle drivers, wala po akong minamaliit.

“Sa video na po na ‘yun, kung panonoorin n’yo po ‘yung vlog ko, malalama’t malalam n’yo po kung ano ‘yun. Pero kung paniniwalaan n’yo po kung ano ‘yung mga video na kumakalat ngayon wala na po akong magagawa.

“Pero ang katotohanan dun po is… wala akong sinasabing mali, na gusto kong malaman n’yo na wala akong sinasabing mali na ginugusto ko.”


Ngunit, imbes na mapatawad ay mas tumindi pa ulit ang ‘backlash’ na natanggap ni Buknoy. Sa kanyang Youtube Channel, isang malaking pagbabago ang nangyari sa bilang ng kanyang mga subscribers.

Mula sa umano’y 400 000 subscribers nito, agad itong bumaba sa mahigit 100 000 subscribers na lamang. Ayon sa mga batikos na natatanggap nito sa social media, sa ipinakita umano ni Buknoy ay hindi ito nararapat na tawaging ‘influencer’.

Panoorin ang buong video dito!

No comments:

Powered by Blogger.