Isang Sikat Komedyante, Nasa Kritikal Na Kondisyon Matapos Matagpuang Walang Malay Sa Philippine Arena


Natagpuang walang malay ang komedyanteng si Michael Argente o pinkakilala sa pangalang Kim Idol.

Natagpuan umano ito sa Philippine Arena na walang malay nito lamang madaling araw ng ika-9 ng Hulyo.

Agad naman umano na isinugod sa ospital ang 41 taong gulang na komedyante na si Kim ngunit, ayon sa mga ibinahaging pahayag ng kanyang pamilya at mga kaibigan, nasa kritikal na kondisyon umano ito ngayon.

Isinugod umano ito sa Manila Central Universiry Hospital sa Caloocan City.

“Please pray for my son, Kim Idol for [his] fast recovery. I LUV U SO MUCH ANAK,” saad pa ng ina ni Kim na si Maria Argente.

Ayon sa ina ng komedyante, hindi COVID-19 ang naging dahilan ng kasalukuyang kondisyon ng anak. Ito umano ay dahil sa pagkakaroon ni Kim ng AVM o brain arteriovenous malformation.


“Sa mga nakakakilala kay Kim Idol, patuloy tayong manalangin para sa kanya. Sinuong niya ang kanyang buhay para sa nangangailangan ng tulong bilang frontliner…

“Hindi sya nahawa, ‘yung AVM ‘yun ang naging dahilan, napagod at puyat marahil,” dagdag pa ng ina ni Kim.

Taong 2015 nang unang ibinahagi ng komedyante ang pagkakaroon nito ng AVM. Isa umano itong rare medical condition kung saan, nagkakaroon umano ng  ‘tangle of abnormal blood vessels connecting arteries and veins in the brain’.

Mula pa noong buwan ng Mayo, nagsisilbi itong frontliner sa Philippine Arena na ginawang quarantine faciliy ng mga mayroong COVID-19.

Si Kim ay miyembro ng Iglesia ni Kristo na siyang may-ari ng Philippine Arena. Ito ay nagsisilbi bilang marshal ng Bureau of Quarantine sa naturang pasilidad.

Maliban sa iniatas na tungkulin, dahil isang komedyante ay nagpapasaya rin umano si Kim sa mga pasyente sa Philippine Arena. Nagagamit niya umano dito ang kanyang talento sa pagkanta at pagpapatawa upang magpasaya ang mga pasyenteng naging positibo sa COVID-19.


Dahil sa kasalukuyang kondisyon ngayon ni Kim, nananawagan ngayon ang kanyang mga kaibigan at kapwa komedyante para sa mga panalangin sa mabilis na paggaling ni Kim. Ilan sa mga komedyanteng ito ay sina Teri Onor, Philip Lazaro, at maging si Super Tekla.

Sa isang Facebook post, ayon kay Teri ay naka-life support na umano ngayon ang kaibigan.

“Please pray for our friend, Kim Idol. Naka life support po siya ngayon sa hospital. Please pray for him,” ani pa nito.

“Let us all pray for Kim Idol. Naputukan ng ugat. Critical Condition. In life support now. KUYA JESS, MAMA MARY PLS,” saad naman ng isa pang kaibigan ni Kim na si Phlip.

Hindi naman napigilan ni Super Tekla ang labis na pag-aalala sa kanyang kaibigan. Saad pa nito sa kanyang Facebook post,


“Ayan, di ka nagsasabi ng nararamdaman mo tinawagan kita dahil nararamdam ko ‘yung post mo may something. Sabi mo, ok ka lang. Sabi ko kahit, puntahan kita Kim Idol. eh kaya pa ‘yan.’Wag na ‘wag kang bibitaw. Lumaban ka, kaya mo ‘yan…

“Ipagdasal po natin ang aming kaibigan, critical ang lagay ni Kim Idol. DIYOS KO ILIGTAS N’YO SI KIM IDOL SA SITWASYON N’YA NGAYON.”

No comments:

Powered by Blogger.