Maganda Ngunit Simpleng Kasal Sa Gastos Na Php30k? Alamin Dito Kung Paano!


“Contentment is the key to happiness.”

Ito ang naging una at pinakaimportanteng payo na ibinahagi ng bagong kasal na si Rich Alberto tungkol sa pagkakaroon ng simple at hindi magastos na kasal.

Kung ikaw ay gusto ring magkaroon ng kasal na simple at ‘intimate’ ngunit wala masyadong budget, para sa’yo ang mga payong ito na ibinahagi ni Rich.

Sa ginanap nitong civil wedding kamakailan lang, ibinahagi ni Rich sa isang Facebook post kung paano niya umano na-achieve ang isang simple ngunit ‘intimate’ na wedding sa halagang Php 30 000 lamang.

“For us, our main goal is to get married without breaking the bank. We don't want our parents to get involved financially since it is our decision to get married in the first place.

“We just want this day to be memorable and to make sure we still have money left to move in together after the wedding. We really want to maximize our sooo little but hard earned money, we don't want to use all of it just for the wedding,” pagbabahagi pa ni Rich.




Ang isa sa pinaka naging susi upang makatipid si Rich ay ang hilig umano nito sa DIY (do-it-yourself). Halos lahat sa kanyang kasal ay DIY gaya ng wedding invitation card, wedding bouquet, wedding gown, at maging sa kanilang wedding reception.

Lahat ng ito ay gawa lamang umano ni Rich sa tulong na rin ng kanyang mapapangasawa at mga kaibigan.

Ayon kay Rich, sa pagpaplano ng kasal, ang paghahanap umano ng reception ang nauuna dahil pagkatapos nito, madali na lamang umano ang lahat.

“I suggest mag hanap kayo ng resto na nagpapa rent ng area at maganda ang interior para di na kayo gagastos sa designing (para to sa mga okey na sa simple lang),” dagdag pa nito.

Upang makatipid, naging praktikal din sina Rich sa pagbibigay ng mga imbitasyon. Upang walang gastos, ipinadala niya sa pamamagitan ng ‘messenger’ ang kanilang wedding invitation. Pati na rin ang program ng kanilang kasal ay sa pamamagitan na rin ng chat nila ipinaalam sa mga bisita.




Importante umano sa isang kasal ang pagkakaroon ng maayos na program na mayroong oras kung kailan magaganap ang bawat activity.

Malaking bahagi din ng kasal nina Rich ang pagkakaroon umano nila ng mga mabubuti at supportive na kaibigan. Dahil dito, malaki umano ang natipid nila sa pagkuha ng make-up artist, host, videographer at photographer.

“Actually ‘tong mga kaybigan namin, pare parehas kaming into camera. Magkikita kita kami para lang mag photo walk, i po photo shoot yung isat isa. And eto na kase yung pinaka gift nila samin. Promise namin bawi kami pag sila na ikakasal…

“Inexplain ko lang, di ko kayo ine encourage na wag bayaran mga tropa nyo haha. Support support dapat syempre,” ani ulit ni Rich.

Ang mga ito ang mga ibinahaging payo ni Rich sa kung sinuman ang nais din ng simple at hindi magastos na kasalan tulad nila.





Ayon kay Rich, alam naman niyang hindi lahat ay kapareho ang kanyang gusto na pagkakaroon ng simpleng kasalan. Kaya naman, saad niya tungkol dito,

“I'm not romanticizing poverty. Hindi naman ibig sabihin makontento kang mahirap ang buhay, I just think it is best to always look at the brighter side of life and do beautiful things despite the struggles, just like what we did to our wedding…

“Hindi pa nga siguro kami talaga successful, pero ang dami na naming little wins together and I want us to focus on that coz I know we can do so much more together. It's okey kung trip mo muna mag kabahay, pera, career bago mag settle, kanya kanya tayong goal at trip e.

“Well this ours, OUR GOAL IS TO BUILD OUR SUCCESS TOGETHER.”

Source: facebook

No comments:

Powered by Blogger.