Alamin ang mga sintomas at emergency warning signs ng COVID-19 infection
Alamin ang mga sintomas at emergency warning signs ng COVID-19 infection
by Doktor Doktor Lads
Ang isang taong may COVID-19 infection ay pwedeng hindi makaranas ng sintomas ng infection, ito yung mga asymptomatic. Pero sa mga taong makakaranas ng sintomas ng sakit, iba-iba ang pwedeng maranasan. Pwedeng makaranas ng lagnat, ubo, hirap sa paghinga, labis na pagkapagod, pananakit ng katawan at ulo, pagkawala ng pang-amoy o panlasa, barado ang ilong o may sipon, pagkahilo at pagsusuka at pagtatae. Kadalasan na lalabas ang mga sintomas na ito 2 - 14 days matapos kang maexpose at mahawa ng virus.
May mga emergency warning signs din para sa COVID-19 infection. Ibig sabihin, kailangan na tumawag sa emergency ng hospital at ipaalam ang kalagayan ng pasyente upang mabigyan ito ng tulong medikal upang hindi lumala ang kondisyon o mamatay ang pasyente. Kapag ang pasyente ay hindi na makahinga, hindi nawawala ang pananakit ng dibdib, nalilito o parang nawawala sa sarili, hindi na magising o hirap nang gisingin at nagkukulay blue o violet na ang labi o mukha, kailangan na ito ng agarang atensyong medikal. Kung may malapit na COVID-19 center o hospital itawag o dalhin ang pasyente doon para mabigyan ng lunas.
No comments: