Huwag Laging Galit! Matinding Emosyon, Maaaring Pagmulan ng Atake sa Puso


Huwag Laging Galit! Matinding Emosyon, Maaaring Pagmulan ng Atake sa Puso 
Payo ni Doktor Doktor Lads

Kadalasan nating nakikita sa mga pelikula at teleserye na matapos ang matinding gawain o matinding emosyon o galit, biglang sasakit ang dibdib ng artista at biglang mawawalan ng malay at aatakihin sa puso. Nangyayari ba talaga ito sa totoong buhay? 

Ayon sa pag-aaral na napublish sa Circulation, matinding physical activity at matinding emosyon ay maaaring maging trigger ng atake sa puso. Ayon sa pag-aaral sa 12,000 heart attack survivors, doble ang risk na atakihin sa puso ng mga taong may matinding physical activity at emosyon o galit. Ito ay maaaring magpataas ng blood pressure at tibok ng puso, kikitid ang mga blood vessels at maaring magdulot ng mas mababang daloy ng dugo sa puso. 

Mahalaga na mamanage ng maayos ang stress, magkaroon ng regular na ehersisyo upang maging malakas at healthy ang iyong puso.

No comments:

Powered by Blogger.