Mga Tips sa Pagkain Para Maiwasan ang Heartburn / Acid Reflux


Mga Tips sa Pagkain Para Maiwasan ang Heartburn / Acid Reflux
Payo ni Doktor Doktor Lads

1. Bawasan ang pagkain ng mga acidic na pagkain tulad ng grapefruit, orange, kamatis at suka
2. May mga nakakaranas ng heartburn kapag kumakain ng maaanghang na pagkain. Iwasan o bawasan muna ito
3. Huwag agad humiga o matulog hanggang tatlong oras pagkatapos kumain. Kapag nakatayo ka o nakaupo, mas bumababa ang pagkain mula sa iyong tiyan at naiiwasan ang acid na magtagal sa iyong tiyan
4. Iwasan ang matataba at mamantikang pagkain dahil trigger sila ng heartburn
5. Iwasan ang pagkain ng chokolate, mint, citrus, catsup at mustard
6. Iwasan o bawasan ang pag-inom ng alak, kape at carbonated drinks
7. Huwag biglaan at sobrang dami kung kumain. Hinay hinay lamang sa pagkain
8. Huwag kumain ng sobrang bilis. Nguyain ng mabuti ang pagkain
9. Huwag nang kumain ng marami ilang oras bago matulog

No comments:

Powered by Blogger.