Dok, magkakaroon daw ng luslos kapag nagbubuhat ng mabigat?


Dok, magkakaroon daw ng luslos kapag nagbubuhat ng mabigat?
by Doktor Doktor Lads

Totoo ito. Isa ito sa maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng luslos. Maaari ding makuha ang luslo kapag matagal ang constipation o hirap sa pagdumi at matagal na ubo. Nagkakaroon ng hernia kapag masyadong mataas ang pressure sa katawan na nagdudulot ng pagkasira o paglaki ng opening o weakness sa mga muscles sa loob ng ating katawan. Dahil dito, maaaring lumabas mula sa nasirang butas ang mga internal organs tulad ng bituka. Kadalasan lumalabas ito papunta sa singit o sa tiyan. Magdudulot ito ng masakit na pakiramdam at kailangan ng operasyon upang magamot ito. Pwedeng mauwi sa komplikasyon ang luslos o hernia kapag hindi ito nagamot o naoperahan. Pwedeng maipit ang bituka na magdudulot ng bowel obstruction at hindi makakadaan ang mga natunaw na pagkain sa bituka ng isang tao. Pwede din na mawalan ng sapat na daloy ng dugo na pwedeng magdulot ng pagkabulok o pagkamatay ng bahagi na ito ng bituka,

No comments:

Powered by Blogger.