Masama sa kalusugan na laging sobrang nagpapakabusog at laging kumakain nang marami


Alam mo ba?

Masama sa kalusugan na laging sobrang nagpapakabusog at laging kumakain nang marami.

Marami sa atin ang mahilig kumain at magpakabusog nang sobra. Lalo na kung pagod at puyat tayo, pakiramdama natin ay deserve naman nating kumain nang sobrang dami. Kaya lang, kapag laging ganito, pwedeng tumaba at maraming mga sakit ang pwedeng makuha mula dito. Pwedeng magkaroon ng diabetes, hypertension at sakit sa puso kapag matagal na kain nang kain nang marami.

Kapag kumakain tayo nang sobrang dami, may masama itong naidudulot sa ating kalusugan.
1. Nababanat o nastretch ang ating tiyan o stomach upang magkasya ang mga pagkain na ating kinain. Dahil dito, pwedeng matulak ang ibang mga organs o lamang loob at pwedeng magdulot ng discomfort. Pwedeng makaranas ng pagod, walang energy o pagkaantok.
2. Kailangang magtrabaho nang mas mabilis ng bituka at iba pang internal organs upang madigest o matunaw ang mga pagkain
3. Para matunaw ang pagkain sa tiyan, naglalabas ng hydrochloric acid ang tiyan. Pwedeng magdulot ng hyperacidity, gastroesophageal reflux at heartburn kapag napakarami nang kinain. Mas malala ito kung ang mga kinain ay mga mamantikang pagkain tulad ng pizza, hamburger at mga pritong pagkain.
4. Naglalabas din ng gas ang tiyan kapag kumain tayo. Mas marami ang gas kapag marami ang kinain kaya pwedeng makaramdam na bloated o parang naempatso.
5. Kailangang bilisan ng metabolism ng iyong katawan upang maburn ang mga calories mula sa iyong kinain, kaya pwedeng makaranas na naiinitan, pinagpapawisan o nahihilo.

Sa halip na one time big time ang pagkain at magpapakabusog nang sobra, mas maganda na small portions ang pagkain. Madalas pero kaunting pagkain ang kakainin. Maganda rin na uminom muna ng tubig bago kumain.

O ngayon alam mo na, ishare mo naman sa iba.

by Doktor Doktor Lads

No comments:

Powered by Blogger.