Dapat kumpletuhin ang pag-inom ng antibiotics para maging epektibo sa paggamot ng impeksyon


Alam mo ba?

Delikado na hindi mo kinukumpleto ang pag-inom ng nireseta sa iyong antibiotic. Maraming mga Pinoy ang ugali na kapag nakaramdam na ng ginhawa, ititigil na bigla ang pag-inom ng antibiotics. Iba-iba ang bilang ng mga araw na dapat inumin ang antibiotics. Halimbawa, kapag sinabi ng doktor mo na iinumin ang antibiotics ng isang linggo, dapat tapusin ito. Halimbawa, tatlong araw palang ng pag-inom ng antibiotic medyo bumubuti na ang pakiramdam mo, tapusin mo pa rin ang pag-inom ng antibiotic. Bakit?

Dahil kahit na nawawala ang mga sintomas ng sakit mo, pwedeng may mga bacteria pa na hindi lubusang napapatay ng antibiotics. Oras na itigil ang pag-inom ng mga antibiotic, ang mga nakasurvive na bacteria ay pwedeng matutunan na kalabanin o ineutralize ang antibiotics para sa susunod na gumamit ka ng antibiotics sa kanila, hindi na sila mapapatay. Ito yung tinatawag na antibiotic-resistant bacteria. Kapag nangyari ito, mas matapang na antibiotics na ang kailangang gamitin para sa simpleng impeksyon mo. At ang mga matatapang na antibiotics ay mas maraming side effects. Ang mas malala, kapag multidrug resistant ang bacteria, posibleng hindi na ito makayanan pang patayin o gamutin kahit pa ng mga matatapang na antibiotics.

O, ngayon alam mo na. Ishare mo naman sa iba.

by Doktor Doktor Lads

No comments:

Powered by Blogger.